Kung mahilig ka sa mga games pero allergic ka sa presyo (same here), good news — may website na nagbibigay ng free PC games every single week. Legit. Legal. Walang crack o torrent na involved.
Yes, ang Epic Games Store (company behind Fortnite at Unreal Engine) ay nagbibigay ng 1–2 free games weekly. And once na claim mo na — sa iyo na ‘yung game forever. Kahit matapos pa ang promo, hindi na nila mababawi sa iyo ‘yan.
So, paano nga ba kunin ang mga libreng games na ‘to? Tara, step-by-step tayo!
Step 1: Gumawa ng Epic Games Account
Pumunta sa https://store.epicgames.com/
Click Sign In (upper right).
Piliin kung saan ka magre-register. Puwedeng Google, Facebook, Xbox, PlayStation, Nintendo, Apple, or gamitin mo lang ang iyong email
Verify your email. Tapos!
Pro tip: Kung may Fortnite o Rocket League account ka, that’s already an Epic account.
Step 2: Hanapin ang “Free Games” Section
Sa homepage ng Epic Games Store, scroll down hanggang makita mo ang “Free Games” section. Shortcut: https://store.epicgames.com/free-games
Dito mo makikita ang mga Games na currently free, countdown kung hanggang kailan ang promo (usually 1 week: Thursday to Thursday), at kung ano ang susunod na set ng free games.
Makikita sa example na available ang Firestone Online Idle RPG at Nightingale ngayon hanggang October 9. Habang nakalagay na din na ang Free Games sa October 9 – 16 ay Gravity Circuit at Albion Online: Rogue Journeyman Bundle
Step 3: I-Claim ang Free Game(s)
Click ang game title na gusto mo.
Sa game page, click Get or Claim.
May lalabas na checkout window — at ang amount ay ₱0.00 (yesss!).
Click Place Order.
Ma-add na ang Game sa iyong Library
Note: Hindi mo kailangang i-download agad ang game. Once na-claim mo na, nasa account mo na ‘yan permanently.
Step 4: Install ang Epic Games Launcher
Download at install dito: https://store.epicgames.com/download
Log in gamit ang iyong Epic account.
Pumunta ka sa iyong Library tab.
Click Install sa game na gusto mong laruin.
Pagkatapos ma-download, click Launch — at puwede ka na maglaro.
Note: Kung nagkaka-error ka ng “Epic Games ended prematurely” sa Windows 10 tulad ko, i-download mo na lang ang Epic Games Launcher sa Microsoft Store.
Step 5: Ulitin Every Week
Ang Epic ay nag-u-update ng free games every Thursday at 11:00 PM (PH time).
What kind of games are free?
Mula sa indie gems hanggang sa big titles tulad ng GTA V, Death Stranding, Control, and Assassin’s Creed Syndicate.
Do you need a card?
Hindi! As long as ang nakalagay ay ₱0.00, “Place Order” mo lang.
So ayun — kung may Epic Games account ka, may bago kang laro every week.
Libre, legal, legit. Enjoy!
Ito ang aking Library ng mga free games. 119 games na din ang nakukuha ko. Partida, may mga linggo pa ‘yan na nakakalimutan ko mag-avail. Kapag nabuksan mo na itong Launcher, piliin mo lang ‘yung nakuha mong game, tapos click Install. Pagkatapos ma-install, game na!


Leave a Reply