Category: libre

  • Where to Get Free Fonts (Legally!) for Your Blog, Brand, or Projects

    Where to Get Free Fonts (Legally!) for Your Blog, Brand, or Projects

    Ang paghahanap ng “free font” ay parang paghahanap ng bagong makaka-date — marami kang pagpipilian pero kung ano pa ang napili mo, madalas ay taken na. Kaya ako na ang nag-“swipe right” para sa inyo. Narito ang ilan sa mga legit font resources online na walang kahina-hinalang licenses at wala ding malware. Ang mga resources na ito ay may magagandang typography na ikaw na lang ang hinihintay para gamitin mo sa iyong website, o brand, o sa susunod mong project.

    Google Fonts

    google fonts

    Ito na yata ang go-to site para sa web at print. Meron ditong 1500+ fonts. Ayon sa FAQ nila, ang lahat ng fonts dito ay open source at libre. Puwede mo din gamitin commercially. Puwede sa logo, print, website, apps,  teaching materials, e-books, store fronts, jewelry, at sa kahit anong bagay na gusto mo lagyan ng fonts. Integrated na din siya sa WordPress na siyang ginagamit ko sa website na ito.

    💡 Kapag ang font ay open source:
    ✅ Puwede mo gamitin sa personal o commercial projects
    ✅ Puwede mo i-modify o baguhin (change the letters, adjust spacing, atbp.)
    ✅ Puwede mo i-share sa iba
    ❌ Bawal mo ibenta o i-rebrand at angkinin bilang sarili mong gawa

    Font Squirrel

    font squirrel

    Sa pagkakaalam nila, ang lahat ng fonts nila ay libre para sa commercial use at lahat ay may desktop license na ibig sabihin ay pwede gamitin sa commercial graphics at images for free. I-check na lang ang license na kasama kapag nag-download ka ng font para sure. Meron din silang Font Identifier kung saan puwede ka mag-upload ng image at i-identify nito kung ano ang font na ginamit sa image.

    Ang bawat font nila ay may row of symbols para ma-identify kung saan ito puwede gamitin.
     Commercial Desktop Use – Create commercial graphics and documents.
     @font-face Embedding – Embed the font in your websites with CSS.
    Ebooks and PDFs – Embed font in eBooks and portable documents.
    Applications – Embed font in applications and software.

    DaFont Free

    dafont free

    Katulad ng DaFont, pero ang lahat ng fonts dito ay libre. Although napansin ko na karamihan ng mga fonts nila dito ay for personal use only. Sabi nga nila, sila ay isang free demo font collection website. At ang demo fonts nila ay distributed for personal projects only.

    1001 Fonts

    1001 fonts

    Ang lahat ng fonts nila ay free. Although hindi lahat ay for commercial use. Mayroon silang button para i-filter lang ang mga fonts na puwede mo gamitin commercially. ‘Yung link na binigay ko ay naka-filter na para dito.

    💡 Kapag ang isang font ay for personal use, HINDI mo ito puwede gamitin commercially. Pero kapag ang font ay for commercial use, matik na puwede mo din ito gamitin for personal use. Walang lang. Baka lang may hindi nakakaalam at nahihiya lang magtanong.

    The League of Moveable Type

    the league of moveable type

    Ang orihinal, at kauna-unahang pandayan ng open-source fonts. Ang buong catalogue nila ng mga piling fonts ay libre gamitin personally at commercially, basta bigyan ng credit ang original creators.

    Fontshare

    fontshare

    Ang lahat ng fonts dito ay 100% free para sa personal at commercial use. May dalawang type sila ng free fonts: ang “open source” at “closed source”. Ang closed source ay designed, produced at owned ng parent company ng Fontshare, ang Indian Type Foundry. Ang mga closed source fonts ay exclusive sa Fontshare, meaning, dito mo lang makikita sa site na ito.

    Velvetyne

    velvetyne

    Ang lahat din ng fonts dito ay libre at open source na ibig sabihin daw ay you can use them, modify them, redistribute them, at redistribute the modified versions. Puwede sa personal at commercial works tulad ng poster, logo, magazine, website, app, t-shirt, music video, bike trailer at sa lahat ng abot ng iyong imagination. Paalala lang nila that you must “credit the name of the type designer and of our foundry” kung gagamitin mo ang fonts nila.

    Collletttivo

    collletttivo

    Katulad ng ibang resources, ang lahat din ng fonts dito ay libre. Maaari gamitin sa personal at commercial projects sa kahit anong printed at digital media basta magbigay din ng credit sa original designer and the foundry kapag ni-release mo ang work mo na gumamit ng font nila. Mayroon silang 15 available open source typefaces. Medyo nahirapan lang ako sa site nila dahil naka-dark mode tapos dark din ang font.

    💡 Ang typeface ay particular design of type. Naintindihan mo? Ako, hindi. Daanin natin sa examples. Ang typeface ng Times New Roman at Georgia ay Serif. Habang ang typeface ng Arial at Helvetica ay Sans-Serifs. May iba pang typefaces tulad ng Display, Script, Slab Serif, Monospaced and everything.

    Open Foundry

    open foundry

    Ito ay free platform ng mga open source typefaces. Ayon sa chismis, magkakaroon na ng Open Foundry 2.0. Abangan.

    Fontesk

    fontesk

    Ang lahat din ng font dito ay free to download. May label at filtering sila kung ano ang mga font na for personal use at for commercial use.

    Oh ayan ah. Napakaraming fonts na ang makukuha mo diyan, Pero kung bitin ka pa, comment ka lang. Kung meron ka ding ibang source ng mga free fonts na gusto mo i-share, i-comment lang din.

    Font Licenses 101

    Siya nga pala, kadalasan, kapag nag-download ka ng font, may kasama siyang License. Ugaliing basahin ang license ng font para may idea ka kung hanggang saan lang ang kaya nito ibigay sa iyo. Kung hindi mo masyado ma-gets ang nasa License, narito ang listahan ng mga common licenses ng mga fonts.

    1. Free for Personal Use – puwede mo gamitin sa iyong own stuff tulad ng school projects, personal blog header, mockups, atbp. HINDI mo puwede gamitin sa client work, merch, o monetized content. Halimbawa ay puwede mo siya gamitin to design a poster for your wall. Hindi mo siya puwede gamitin to design a poster for a client na magbabayad sa iyo.
    2. Free for Commercial Use – puwede mo siya gamitin sa kahit na anong project, personal man o may profit. Binibigyan ka ng creator ng kalayaan gamitin ang font sa anumang paraan na iyong naisin. Pero minsan ay kailangang bigyan mo ng credit ang creator kaya siguraduing basahin maigi ang license kung naisusulat ba ito.
    3. Open Source / Open Font License (OFL) – 100% free to use, modify at share. Puwede gamitin sa logos, sa apps o websites. Ang hindi mo lang puwede gawin ay ibenta ito o i-rename at angkinin na ikaw ang creator nito.
    4. Commercial License / Premium Font – Posibleng magbabayad ka once or magsu-subscribe ka para magamit mo sa commercial work. Basahin sa license kung paano mo puwede gamitin ang font. Minsan may tiered license din na iba ang bayad kapag para sa logo, o para sa app o sa website.
    5. Desktop License – puwede mo gamitin ang font sa paggawa ng mga static designs tulad ng posters, logo, print materials, images para sa social media, atbp.
    6. Webfont License – puwede mo gamitin sa pag-embed ng font sa website via CSS o font-face. Madalas may limit ito sa bilang ng monthly page views o number of domains.
    7. App / eBook License – puwede mo i-embed ang font sa app, game o e-book.
    8. Attribution License (CC-BY, atbp.) – puwede mo gamitin freely pero kailangang i-credit mo ang creator. Madalas ay kabilang sa Creative Commons (CC-BY). Mag-add ka lang ng note na ginamit mo ‘yung font. “Font used: <Creator’s Name> (free under CC-BY license).”
    9. Donationware – libre siya pero ang creator ay humihingi ng donasyon lalo na kung gagamitin mo commercially.
    10. Trial or Demo Fonts – ito ay para sa testing at previewing lamang. Hindi puwede gamitin sa real-world projects. Ginagawa ito ng designer para mag-sneak peek ng full version ng isang font na may bayad.

    Share the Love, or at Least the Link

  • Libre Kita: How to Get Free Games from Epic Games (Legit and Forever!)

    Libre Kita: How to Get Free Games from Epic Games (Legit and Forever!)

    Kung mahilig ka sa mga games pero allergic ka sa presyo (same here), good news — may website na nagbibigay ng free PC games every single week. Legit. Legal. Walang crack o torrent na involved.

    Yes, ang Epic Games Store (company behind Fortnite at Unreal Engine) ay nagbibigay ng 1–2 free games weekly. And once na claim mo na — sa iyo na ‘yung game forever. Kahit matapos pa ang promo, hindi na nila mababawi sa iyo ‘yan.

    So, paano nga ba kunin ang mga libreng games na ‘to? Tara, step-by-step tayo!

    Step 1: Gumawa ng Epic Games Account

    1. Pumunta sa https://store.epicgames.com/

    2. Click Sign In (upper right).

    3. Piliin kung saan ka magre-register. Puwedeng Google, Facebook, Xbox, PlayStation, Nintendo, Apple, or gamitin mo lang ang iyong email

    4. Verify your email. Tapos!

    Pro tip: Kung may Fortnite o Rocket League account ka, that’s already an Epic account.

    Step 2: Hanapin ang “Free Games” Section

    1. Sa homepage ng Epic Games Store, scroll down hanggang makita mo ang “Free Games” section. Shortcut: https://store.epicgames.com/free-games

    2. Dito mo makikita ang mga Games na currently free, countdown kung hanggang kailan ang promo (usually 1 week: Thursday to Thursday), at kung ano ang susunod na set ng free games.

    epic games - free games
    Example ng Free Games

    Makikita sa example na available ang Firestone Online Idle RPG at Nightingale ngayon hanggang October 9. Habang nakalagay na din na ang Free Games sa October 9 – 16 ay Gravity Circuit at Albion Online: Rogue Journeyman Bundle

    Step 3: I-Claim ang Free Game(s)

    1. Click ang game title na gusto mo.

    2. Sa game page, click Get or Claim.

    3. May lalabas na checkout window — at ang amount ay ₱0.00 (yesss!).

    4. Click Place Order.

    5. Ma-add na ang Game sa iyong Library

    Note: Hindi mo kailangang i-download agad ang game. Once na-claim mo na, nasa account mo na ‘yan permanently.

    epic games - get free game
    I-click ang Get para makuha ang Nightingale game.
    epic games - checkout window
    Makikita na ₱0.00 ang Total Amount. I-click ang Place Order.
    epic games - order completed
    Puwede mo na i-download at laruin agad or puwede ka magpatuloy mag-browse sa website nila.

    Step 4: Install ang Epic Games Launcher

    1. Download at install dito: https://store.epicgames.com/download

    2. Log in gamit ang iyong Epic account.

    3. Pumunta ka sa iyong Library tab.

    4. Click Install sa game na gusto mong laruin.

    Pagkatapos ma-download, click Launch — at puwede ka na maglaro.

    Note: Kung nagkaka-error ka ng “Epic Games ended prematurely” sa Windows 10 tulad ko, i-download mo na lang ang Epic Games Launcher sa Microsoft Store.

    epic games launcher
    I-click lang ang Install on Windows
    Install mo lang ang Epic Games Launcher after ma-download

    Step 5: Ulitin Every Week

    Ang Epic ay nag-u-update ng free games every Thursday at 11:00 PM (PH time).

    What kind of games are free?

    Mula sa indie gems hanggang sa big titles tulad ng GTA V, Death Stranding, Control, and Assassin’s Creed Syndicate.

    Do you need a card?

    Hindi! As long as ang nakalagay ay ₱0.00, “Place Order” mo lang.

    So ayun — kung may Epic Games account ka, may bago kang laro every week.
    Libre, legal, legit. Enjoy!

    epic games library
    Epic Games Launcher

    Ito ang aking Library ng mga free games. 119 games na din ang nakukuha ko. Partida, may mga linggo pa ‘yan na nakakalimutan ko mag-avail. Kapag nabuksan mo na itong Launcher, piliin mo lang ‘yung nakuha mong game, tapos click Install. Pagkatapos ma-install, game na!

    Share the Love, or at Least the Link

  • Game Ka Na Ba? 10 Cool Websites with Free Browser Games

    Game Ka Na Ba? 10 Cool Websites with Free Browser Games

    Welcome sa magical world ng browser games – instant fun, no strings attached, at higit sa lahat, LIBRE! Ano pa’ng hinihintay mo? I-close mo na ‘yung 99 tabs na naka-bukas sa browser mo, at maglalaro na tayo!

    Narito ang sampung website na puwede ka maglaro ng mga games. Ang mga games dito eh malalaro mo na kaagad mismo sa iyong browser.

    1. poki

    https://poki.com/

    Ang Poki ay isang website (at platform) na nagho-hosts ng libreng browser-based games. Ito ay naka-base sa Amsterdam, Netherlands. Ang masarap dito sa Poki (insert pun), instant play na kaagad. Ang mga games ay puwede laruin sa desktop, laptop at sa mobile (browser). Mahigit 1,000 titles ang available para pagpilian. Maganda ang site na ito para maka-discover ng mga indie, casual, o experimental games. Medyo tiyaga lang sa mga advertisement kapag naglalaro dahil dito kumikita ang mga games. At may mga games nga pala na hindi pambata.

    2. CrazyGames

    https://www.crazygames.com/

    Ang CrazyGames ay isang browser-games platform na itinatag sa Belgium noong 2014 ng magkapatid na Raf at Tomas Mertens. Ito ay multilingual/localized at available sa maraming languages (24 ayon sa aking source). Ang mga games ay free to play, pero gumagamit din sila ng mga ads (sa mga games at mismong site) at minsan ay may offer na mga in-game purchases. Meron silang mahigit 4,500 games. Hindi din lahat ng mga games ay pambata at depende sa bilis ng iyong internet connection, may mga games na mabagal mag-load.

    3. Kongregate

    https://www.kongregate.com/

    Ang Kongregate ay isang online gaming portal at publisher na nagho-hosts ng napakalaking library ng browser games, at naglalabas din sila ng mga games para sa mobile, PC, at iba pang platforms. Itinatag noong 2006 ng magkapatid na Jim at Emily Greer. Malakas ang kanilang community focus: may user profiles, achievements, badges, high‐score leaderboards, chat, forums, at iba pa. Ayon sa tsismis, mayroong mahigit 128,000 games sa site na ito.

    4. itch.io

    Ang itch.io ay isang digital marketplace / platform na inilunsad noong March 2013 ni Leaf Corcoran. Ito ay naka-focus sa mga indie games and iba pang creative digital content (assets, comics, music, zines, at iba pa). As of 2024, ang itch.io ay merong mahigit 1,000,000 products (games at iba pang content). Karamihan sa mga items dito ay libre. Dahil hindi lang free games ang ino-offer nila, ‘yung link na binigay ko sa taas ay naka-filter na para sa mga free browser games.

    5. Addicting Games

    https://www.addictinggames.com/

    Ang Addicting Games ay isang online portal para sa mga free casual games. Itinatag nila Bill Karamouzis at Ira Willey noong early 2000s. Mayroon silang mahigit 4,000 classic games at madalas sila magdagdag ng mga new titles. May mga games na may ads, pero kung mapapansin mo eh common talaga ang ads sa mga game portals. At tulad din ng ibang sites, hindi din lahat ng games ay pambata.

    6. Friv

    https://www.friv.com/

    Ang Friv ay isa ding browser-based free games portal. Nag-umpisa ito noong 2006 at ang pangalang “Friv” ay trademarked at pag-aari ng kumpanya na Zyis Limited. Mag-ingat lamang dahil maraming fake “Friv”-style sites na ini-imitate ang kanilang pangalan, nagho-host ng mga questionable ads o  mga link papunta sa unsafe content.

    7. SilverGames

    https://www.silvergames.com/en/

    Ang SilverGames.com ay isang website na nag-o-offer ng mga free browser games. Meron siyang mataas na global web rank, meaning marami ang gumagamit ng site na ito. Around 2003 pa na-rehistro ang domain ng SilverGames.

    8. GamePix

    https://www.gamepix.com/

    Ang GamePix ay isang Italian-based platform na may free, browser-based HTML5 at WebGL games sa kanilang website. Ito ay naitatag noong 2013. As of August 2025, GamePix ay rank #81,527 globally at #46,121 sa United States.

    9. Lagged

    https://lagged.com/

    Ang Lagged ay itinatag noong 2016 ni Dominick Bruno,. Ito ay isang free online gaming platform na may mahigit 5,000 browser-based games.

    10. A10

    https://www.a10.com/

    Ang A10 ay isang free online gaming portal na may malawak na selctions ng browser-based games. Ito ay ni-launch noong 2008 at ni-relaunch noong 2013 sa ilalim ng Spil Games.


    Ang lahat ng websites na ito ay gumagamit ng ads sa kanilang mga games (at ang ilan ay meron din sa mismong website). May ilan na may in-app purchase din. Remember na ang mga games sa 10 websites na ito ay malalaro mo ng libre kaya ang paglalagay ng ads ang way nila para kumita at ma-cover ang mga gastusin nila (hosting, bandwidth, development, staff).


    At diyan na nagtatapos ang ating programa! 10 cool websites para ikaw ay makapaglaro ng mga games na hindi naglalabas ng pera sa iyong wallet at hindi kinakailangang mag-download pa. Tara na at talunin ang mga matataas na scores, i-explore ang mga bagong mundo, at higit sa lahat, mag-enjoy!


    Kung bitin ka pa sa dami ng mga games na kanilang ino-offer, grabe ka naman! Pero i-comment mo lang para malaman ko kung kailangan ko pa gumawa ng panibagong listahan. I-comment mo din kung may recommended website ka na madalas mong tambayan para maglaro ng libre.

    Share the Love, or at Least the Link