Category: guide

  • How to Survive (and Enjoy) an All-You-Can-Eat Buffet in the Philippines

    How to Survive (and Enjoy) an All-You-Can-Eat Buffet in the Philippines

    So, ikaw ay naimbita sa isang all-you-can-eat buffet — isang dakilang pakikipagdigmaan kung saan ang mga plato ang iyong kalasag, tongs ang iyong sandata, at bawat kagat ay isang maliit na tagumpay. Kung nais mong masulit ang iyong ibabayad o iniiwasan mo lang mabusog bago mag-dessert, mayroong art para mapagtagumpayan ang ganitong lafangan labanan. Narito ang ilang tips para sa iyong buffet strategy: part hunger games, part etiquette class, at 100% fun. Let’s dig in (literally).

    Scout the Entire Spread First

    Surveillance muna tayo. Bago ka kumuha ng plato, maglakad-lakad ka muna sa paligid at tingnan kung ano ang mga available na pagkain. Sa ganung paraan, makakapamili ka talaga ng mga gusto mong banatan, lalo na ‘yung mga medyo mahal (seafood, carved meats, sashimi, atbp.), at maiwasan na din muna ang mga fillers sa umpisa nang iyong journey.

    Fillers ay ang mga pagkaing madali kang mabubusog tulad ng kanin; tinapay; pasta at noodles; mashed potatoes o fries; thick corn o cream soup; gulay na ma-sauce; o sugary drink o soda.

    Start with Lighter Dishes

    Mag-umpisa muna sa salad (caesar, kani, greek, garden), soup (miso, clear broth, tinola, sinigang) o cold items (cold cuts, sushi, sashimi, fruit cups) para ma-warm up muna ang iyong gana sa pagkain. Madali kang mapupuno kapag mabibigat na pagkain agad tulad ng kanin, tinapay, at pasta ang iyong uumpisahan. Ikaw din, baka mabusog ka agad at hindi mo na matikman ang paborito mong meat o seafood.

    Prioritize the Expensive / Rare Items

    Kung merong seafood, prime meat cuts o special dishes na hindi mo madalas nakakain, banatan mo na kaagad habang sariwa pa. Ito ang mga pagkain na makakapagpasabi sa iyo na sulit ang iyong paglamon, at ang iyong binayaran (kung KKB).

    Take Small Portions First

    Huwag mo i-overload ang iyong plato sa first round pa lang. Mag-try ka muna ng small servings ng iba-t ibang dishes — para kapag may nagustuhan ka, maaari mong balikan sa round two. Makakatulong din ito para maiwasan ang sayang na pagkain at makakatikim ka pa ng maraming variety.

    Limit Carbs & Drinks Early On

    Nasabi ko na kanina pero easy ka lang muna sa kanin, tinapay, noodles, at iwasan muna ang sugary o carbonated drinks sa umpisa — masasagad ka agad niyan. Siguro sa bandang round three o four, at gusto mo talaga nitong mga ito, eh saka mo na isama sa iyong repertoire. Maraming Filipino (lagpas four) ang nagsasabi na nakakatulong ang pag-skip o pag-limit ng kanin para sa successful na pag-devour.

    Drink Water Before & Between Rounds, But Not Too Much During

    Scientifically speaking, ang pagiging well-hydrated ay nakakatulong sa iyong digestion. Pero kung iinom ka ng marami habang kumakain (lalo na kapag soda o juice), mapupuno ka kaagad. So drink (water) moderately. Ayon sa mga madalas mag-buffet, mag-tubig muna sa simula at later na lang inumin ang iba pang mga drinks.

    Pace Yourself & Take Breaks

    Hindi siya karera. Kumain nang mabagal, i-enjoy mo ang pagkain. Bigyan mo ang iyong sarili ng short breaks kada plato para maka-catch up naman ang iyong katawan sa kung gaano karami ang iyong nakain. Nakakatulong ito para maiwasan ang labis na pagkain hanggang sa hindi ka na kumportable.

    Save Room for Dessert (If You Like Dessert)

    Maraming buffet ay may masasarap na desserts, kaya huwag masyado magpakabusog ng todo para may space pa para makakain at ma-enjoy mo ang mga ito. Kung looking forward ka sa desserts, planuhin ang bilang ng iyong mga rounds at plato para may sapat ka pang powers para dito.

    Wear Comfortable Clothing

    Mas mararamdaman mong bloated o busog ka na agad kapag masikip ang iyong damit na isusuot. Magsuot ng maluluwag o breathable outfits para ikaw ay makapag-relax at ma-enjoy mo ang pagkain na hindi nag-aalala (agad) kung kailangan mo nang luwagan ang iyong sinturon.

    Mind Buffet Etiquette

    • Gumamit ng bagong plato sa bawat pagpunta o pagpila mo sa buffet line. Huwag mo na gamitin ulit ang iyong maduming plato. Hindi naman ikaw ang maghuhugas (unless wala kang pambayad.)
    • Gamitin mo din ang serving utensils na nakalagay sa bawat putahe. Huwag mag double-dip, at huwag din gamitin ang kamay (baka mapanis) sa pagkuha ng pagkain.
    • Maging malinis: iwasan ang mga spills, iwasang magkalat, maging considerate sa mga nasa likod mo sa pila.
    all-you-can-eat buffet

    Double-dipping ay kapag isinawsaw mo ang isang pagkain sa isang shared sauce or dressing, tapos kinagatan mo ‘yung pagkain, tapos isinawsaw mo ulit. Big no-no ‘yan sa buffets (at kahit anong shared dining.)

    Kahit sa sawsawan ni manong na nagtitinda ng fishball, huwag mo gagawin ‘yan.

    Pick Your Time & Seat Wisely

    Pumunta ka ng maaga para magkaroon ka ng first access sa mga popular dishes bago pa ito maubos. Try mo din umupo sa puwesto na medyo malayo sa pila ng buffet para iwas temptation na magpabalik-balik. Makakatulong din ang paglalakad ng malayo papunta sa buffet line para bumaba ang iyong mga naunang kinain (sa pagkakaalam ko.)

    Know the Time Limit / Policies

    May mga buffets na may time limit. May mga buffets din na may policy tulad ng extra charge kung may naiwan kang pagkain sa plato mo. Alamin ang mga ito para maisama mo sa pagpaplano ng iyong eating strategy.

    Sa huli, ang “sulit” na buffet ay hindi naman tungkol sa pagkain lang. Kasama din dito eh kung “sulit” ang saya. Tungkol din ito sa sharing ng mga tawanan sa harap ng mga punung-punong plato, at mga kuwentuhan sa bawat kagat. So kainin mo lang ang gusto mong kainin, mag-enjoy kasama ang mga kasalo mo kumain, at tandaan — life, like a buffet, is best when savored slowly.

    all-you-can-eat buffet

    Share the Love, or at least the Link

  • Libre Kita: How to Get Free Games from Epic Games (Legit and Forever!)

    Libre Kita: How to Get Free Games from Epic Games (Legit and Forever!)

    Kung mahilig ka sa mga games pero allergic ka sa presyo (same here), good news — may website na nagbibigay ng free PC games every single week. Legit. Legal. Walang crack o torrent na involved.

    Yes, ang Epic Games Store (company behind Fortnite at Unreal Engine) ay nagbibigay ng 1–2 free games weekly. And once na claim mo na — sa iyo na ‘yung game forever. Kahit matapos pa ang promo, hindi na nila mababawi sa iyo ‘yan.

    So, paano nga ba kunin ang mga libreng games na ‘to? Tara, step-by-step tayo!

    Step 1: Gumawa ng Epic Games Account

    1. Pumunta sa https://store.epicgames.com/

    2. Click Sign In (upper right).

    3. Piliin kung saan ka magre-register. Puwedeng Google, Facebook, Xbox, PlayStation, Nintendo, Apple, or gamitin mo lang ang iyong email

    4. Verify your email. Tapos!

    Pro tip: Kung may Fortnite o Rocket League account ka, that’s already an Epic account.

    Step 2: Hanapin ang “Free Games” Section

    1. Sa homepage ng Epic Games Store, scroll down hanggang makita mo ang “Free Games” section. Shortcut: https://store.epicgames.com/free-games

    2. Dito mo makikita ang mga Games na currently free, countdown kung hanggang kailan ang promo (usually 1 week: Thursday to Thursday), at kung ano ang susunod na set ng free games.

    epic games - free games
    Example ng Free Games

    Makikita sa example na available ang Firestone Online Idle RPG at Nightingale ngayon hanggang October 9. Habang nakalagay na din na ang Free Games sa October 9 – 16 ay Gravity Circuit at Albion Online: Rogue Journeyman Bundle

    Step 3: I-Claim ang Free Game(s)

    1. Click ang game title na gusto mo.

    2. Sa game page, click Get or Claim.

    3. May lalabas na checkout window — at ang amount ay ₱0.00 (yesss!).

    4. Click Place Order.

    5. Ma-add na ang Game sa iyong Library

    Note: Hindi mo kailangang i-download agad ang game. Once na-claim mo na, nasa account mo na ‘yan permanently.

    epic games - get free game
    I-click ang Get para makuha ang Nightingale game.
    epic games - checkout window
    Makikita na ₱0.00 ang Total Amount. I-click ang Place Order.
    epic games - order completed
    Puwede mo na i-download at laruin agad or puwede ka magpatuloy mag-browse sa website nila.

    Step 4: Install ang Epic Games Launcher

    1. Download at install dito: https://store.epicgames.com/download

    2. Log in gamit ang iyong Epic account.

    3. Pumunta ka sa iyong Library tab.

    4. Click Install sa game na gusto mong laruin.

    Pagkatapos ma-download, click Launch — at puwede ka na maglaro.

    Note: Kung nagkaka-error ka ng “Epic Games ended prematurely” sa Windows 10 tulad ko, i-download mo na lang ang Epic Games Launcher sa Microsoft Store.

    epic games launcher
    I-click lang ang Install on Windows
    Install mo lang ang Epic Games Launcher after ma-download

    Step 5: Ulitin Every Week

    Ang Epic ay nag-u-update ng free games every Thursday at 11:00 PM (PH time).

    What kind of games are free?

    Mula sa indie gems hanggang sa big titles tulad ng GTA V, Death Stranding, Control, and Assassin’s Creed Syndicate.

    Do you need a card?

    Hindi! As long as ang nakalagay ay ₱0.00, “Place Order” mo lang.

    So ayun — kung may Epic Games account ka, may bago kang laro every week.
    Libre, legal, legit. Enjoy!

    epic games library
    Epic Games Launcher

    Ito ang aking Library ng mga free games. 119 games na din ang nakukuha ko. Partida, may mga linggo pa ‘yan na nakakalimutan ko mag-avail. Kapag nabuksan mo na itong Launcher, piliin mo lang ‘yung nakuha mong game, tapos click Install. Pagkatapos ma-install, game na!

    Share the Love, or at Least the Link

  • Unwritten Facebook Rules Every Pinoy Netizen Should Know

    Unwritten Facebook Rules Every Pinoy Netizen Should Know

    Ang Facebook ay walang “official” etiquette rules sa kanilang Community Standards. Pero over time, ang mga tao ay naka-develop ng mga unwritten rules (social norms) sa paggamit ng Facebook. Hindi naman required gawin ang mga ito, pero kung naka-experience ka na ma-unfollowed, ignored o unfriended; at wala kang idea kung bakit nangyari sa iyo ‘yun, eh baka kailangan mo na malaman o sundin ang mga rules na ito. Narito ang ilan sa mga common unwritten rules.

    📝 General Posting Etiquette

    Huwag Mag-Overshare

    Iwasan ang maya’t mayang pagpo-post ng status updates tungkol sa buhay mo. Hindi naman kailangang ma-update mo ang mga friends mo sa lahat ng ikikilos mo minu-minuto.

    Iwasan din mag-post ng masyadong personal na detail tungkol sa buhay mo na posibleng hindi komportable sa iba. Hindi kailangang i-share ang play-by-play na away niyo ng dyowa mo. May mga updates na dapat eh offline na lang napaguusapan. Minsan, ang TMI ay… too much.

    Iwasan Ang Vaguebooking

    Ang Vaguebooking ay ang sadyang pag-post ng malabo, walang kahulugan, misteryoso, o sobrang emosyonal na mensahe para makakuha ng atensiyon at makatanggap ng nag-aalalang tugon mula sa mga kaibigan at kapamilya. Ito ay pinaghalong “vague” at “Facebook” at maaaring mula sa simpleng post na “Hayz, what a day…” hanggang sa mas seryosong mensahe na may intensiyon na ikaw ay mapaisip o mapatanong.

    Ang pagpo-post ng mga cryptic statuses tulad ng, “Pagbabayaran mo ito na walang context, eh obvious na you are just fishing for attention. Naghihintay ka na magtanong ang mga marites. Habang ang ibang tao ay mapapaisip tuloy kung sila ba ang tinutukoy mo.

    Mag-Isip Muna Bago Mag-Post

    Minsan, kapag emotions are high, iwasan mong mag-post dahil malaki ang chance na hindi mo napag-isipan maigi ‘yung ipo-post mo. Sabi nga eh, nadala ka lang ng emosyon. Kapag ‘yan ay na-post mo, kahit i-delete mo pa, may makakapag-screenshot na niyan. Mahirap nang mabawi pa. “Niloko mo ako Pedrito!!! Kung alam lang nila na once a month ka lang kung maligo.” Tapos, nung mahimasmasan ka, nalaman mo na hindi ka naman pala niloko ni Pedrito. Paano na ‘yan? Alam na ng lahat na takot siya sa tubig.

    Mag-Isip Muna Bago Mag-Tag

    Huwag mo i-tag ang mga kaibigan mo sa isang embarrassing photo nila nang hindi ka nagpapaalam. Iwasan mo din i-tag ang buong barangay sa selfie mo. Kung wala naman silang kinalaman, leave them untagged.

    Respect Privacy

    Iwasang i-post ang balita tungkol sa ibang tao (pregnancy, breakup, illness, atbp.) habang sila mismo ay hindi pa ito naipo-post. At dapat magpaalam ka din muna bago mo i-post. Consent, bestie. Consent is the key.

    Huwag Mag-Humblebrag Masyado

    Ang humblebragging ay ang pasimpleng pagyayabang sa ilalim ng pagkukunwari ng isang reklamo o kababaang-loob. Ang simpleng life update ay okay lang naman, pero ‘yung madalas na simpleng yabang eh puwedeng nakakairita na sa iba.

    Iwasan Ang Mala-Nobela Sa Haba Na Status

    Ang Facebook ay hindi Wattpad. Kung ang post mo ay mas mahaba pa kesa sa isang episode ng K-drama, baka puwedeng i-blog mo na lang. Lalo na ngayon na nauso na ang reels at shorts. Meaning, umikli na ang attention span ng mga consumer ng social media. Mas mabilis nila ma-consume, mas okay.

    #Huwag #Abusuhin #Ang #Hashtags

    #Hindi #ito #Instagram. Dalawa o tatlong hashtag ay okay na. Baka mas marami pa ‘yung hashtag mo sa actual post mo.

    Huwag Mag-Trying Hard For Validation

    “Feeling pangit today. Huhu.” Tapos magagalit ka pag walang nag-comment ng “Hindi, ang ganda mo nga eh.” Huwag ganun.

    📸 Photos & Media

    Huwag Mag-Flood Ng Feeds

    Ang mag-upload ng 100 photos ng sunud-sunod may cause clogs in FB timelines. Mas okay na salain mo muna – pumili ka ng mga photos na maayos ang kuha, tanggalin mo ‘yung mga malalabo at ‘yung doble, at saka ka mag-post. Mas lalong okay na gawan mo ng album para isang post lang ang lahat ng mga photos.

    Quality is greater than Quantity. Walang may oras mag-scroll sa 47 shots ng iisang birthday cake.

    Mag-Ingat Sa Pag-Post Ng Larawan Ng Mga Bata

    May mga magulang na ayaw i-post online ang mga larawan ng kanilang mga anak. Kaya magtanong ka muna bago ka mag-post. Hindi lahat ng baby bath time ay dapat na nasa FB timeline (bars!).

    💬 Engagement & Interactions

    Huwag Magtalo Nang Walang Katapusan Sa Comment Section

    Matuto ka i-respeto ang mga opinions na iba sa sariling opinion mo. Ang healthy debate ay okay. Ang Facebook ay hindi lugar para sa mainit at nanginginig sa galit na awayan.

    At isa pa. Kung mag debate kayo, debate lang tungkol sa topic niyo. Huwag na humantong sa siraan ng pagkatao.

    Mag-Reply Sa Tags/Messages

    Kung may nag-tag o bumati sa iyo, it’s polite to acknowledge. Kahit i-like mo lang. Maiintindihan na niya siguro ‘yun na “messaged received”.

    Pansinin Ang Mga Consistent Commenters

    Kung may masugid kang taga-like at taga-comment sa mga posts mo, it is also polite na mag-reply ka or mag-like back ka sa mga comments niya. Ikaw na nga may fan, ikaw pa isnabero. Kapag ‘yan hindi na nagcomment at nag-like, mami-miss ng ego mo ‘yan.

    Iwasan Na Mag-Comment Ng “First”

    Hindi ito YouTube noong 2010.

    🔗 Links, Memes & Content Sharing

    Mag-Fact-Check Bago Mag-Share

    Ang pagkalat ng fake news o clickbait ay makakasira ng iyong kredibilidad. Paano kung tatakbo kang Mayor? Kung sinabi ng idol Kyrie mo na flat ang earth, huwag kang pabola agad. Mag-conduct ka ng sarili mong research. Hindi porke’t nabasa/napanood mo sa Facebook eh totoo na agad.

    Ang Fake news ay mas mabilis kumalat kesa chismis. Mag-verify ka muna. Huwag ko sana makita sa post mo na, “Bill Gates is giving away ₱7,000 to anyone who comments ‘Amen.’”

    Huwag Mag-Spam Ng Promotions

    Masaya ako na may sarili kang business pero huwag naman i-spam ang pagpo-promote nito. Minsan ‘yung madalas na pagpo-promote ng paulit-ulit ang nagiging dahilan ng pag-unfollow ng mga followers mo. Promote moderately and responsibly.

    Tipidin Ang Pag-Share Ng Memes

    Funny is good, pero kapag sobrang dami na eh hindi na din minsan okay. Ang mga memes ay parang seasoning. Sprinkle mo lang. Huwag mo ilagay ‘yung buong salt shaker.

    🌍 Tone & Sensitivity

    Magkaroon Ng Cultural o Political Sensitivity

    Iwasan ang mga overly divisive o offensive na content unless ready ka na sa mga negative reactions mula sa maraming tao. Usually, ang religion at politics ay sensitive na topics na hanggang kaya ay iyong iwasan. Mag-umpisa ka muna sa “Eat Bulaga” at “It’s ShowTime”.

    Post Wisely

    Basically, ang “rule of thumb” ay: post as if everyone you respect (your boss, parents, friends, and future self) might read it. Bago ka mag-post, itanong mo muna sa sarili mo kung sa tingin mo na ‘yung ipo-post mo ay okay lang mabasa ng boss mo, ng mga magulang mo, ng mga kamag-anak mo, ng mga kaibigan mo, ng crush mo, ng siga sa kanto niyo. Kung ok lang, eh di click “Post”.

    🕵️ Social Behavior & Privacy

    Huwag Mang-Stalk Na Sobrang Obvious

    Kung i-stalk mo ‘yung ex mo, o ‘yung maganda niyong bagong ka-opisina, o ‘yung naka-holding hands mo sa ilalim ng desk nung Grade 5, maging maingat sa pag-scroll. Habang lumalalim ang iyong pag-stalk eh mas lumalaki ang chance na ma-like mo ang picture niya nung siya ay nasa beach at naka-bikini. Magse-send sa kanila ng notification ‘yun. At kahit i-unlike mo, eh hindi na ‘yun ma-“unsend”.

    Huwag I-Add Ang Mga Taong Hindi Mo Kilala

    Medyo creepy ang dating kung magse-send ka ng friend request sa isang total stranger. Ang Facebook ay hindi Pokémon. Hindi mo kailangan na i-“catch ‘em all.”

    Respect Relationship Changes

    Kung ang isa mong kakilala ay magpalit ng relationship status from “Married” to “Single”, pigilan mo ang temptation na mag-message sa kanya at maki-chika. The fact, na hindi mo alam ang dahilan, ibig sabihin eh hindi kayo ganun ka-close. I-stalk mo na lang at baka nai-post naman niya ‘yung reason.

    🎂 Birthdays & Greetings

    Birthday Basics

    Isang simpleng “Happy Birthday” ay okay na. Huwag mo na dugtungan ng, “Bill Gates is giving away ₱7,000 to anyone who comments ‘Amen.’”

    Huwag Sadyain Ang Belated Birthday Greetings

    May ibang tao na sinasadya mag-greet ng late, para solo nila ‘yung attention. Huwag ganun. Kung nakalimutan mo ang birthday ng isa mong kakilala, sa post ka na lang ng isa sa mga bumati (na kakilala mo din) mag-comment ng iyong belated greetings. It’s better to be late, than never.

    🎭 Posting Style

    Huwag Ka Laging Galit

    ‘Yung occasional na paglalabas ng sama ng loob o galit eh okay lang naman ‘yan. Pero kung kada post mo galit ka; kada-react mo, galit ka 😡; kada-comment mo, galit ka; much bitter better na i-uninstall mo na ‘yung Facebook. Lumabas ka na lang ng bahay tapos sumigaw ka ng, “Sino siga dito? Tara, suntukan tayo!”

    Mix It Up

    Maganda na i-try mo din na mag-share ng iba’t-ibang uri ng mga posts. Try mo mag-post ng selfies. Tapos mga foods naman. Tapos opinion mo sa mga bagay-bagay tulad ng, reaction mo ng maghiwalay si Gabby at Sharon. Kung iisang uri ng post lang ginagawa mo eh baka ma-typecast ka ng mga kakilala mo na kapag na-notify sila na nag-post ka, sasabihin nila na, “Nag-post na naman si Jestoni. Malamang tungkol na naman ‘yan sa lihim ng Golden Buddha.”

    Huwag Mag-React Sa Sarili Mong Post

    Ikaw na ang nag-post eh, so hindi mo na kailangan mag-react sa sarili mong post. Imagine, nag-post ka ng, “free will is real in a practical sense.” Tapos, pagka-post mo, binasa mo ‘yung post mo at sumang-ayon ka sa sarili mo. “Hmmm. Make sense. Okay itong post ko ah. Mapusuan nga.”

    🏷️ Groups & Community

    Huwag Mang-Hijack Ng Post O Comment Para Sa Sarili Mong Promo

    Kung may isang nag-post at humihingi ng advice, huwag mong isingit ‘yung business mo kung magbibigay ka ng advice. “Ituloy mo lang pare. Kaya mo ‘yan. Huwag kang panghinaan ng loob. By the way, may insurance ka na ba? Kung wala pa, PM is the key.”

    Kung may mag-posts tungkol sa kakatapos lang nilang wedding → huwag ka na sumingit ng “Looking for flowers? PM me!”

    Pakiramdaman Ang Group Vibes

    May mga FB Groups na madalas magbiruan ang mga miyembro, at meron din naman na puro seryoso ang kasali. Read the room. Kung malihis ka sa tono o tema ng usapan ng grupo, baka maging dahilan ka pa na maging awkward ang usapan.

    Iwasan Ang Auto-Adding Sa Groups

    Iwasan mong i-add lahat ng friends mo sa “Buy and Sell ng Used Handkerchief ng Kapitbahay ng Pinsan Ko.” Magtanong ka muna. Hindi lahat ay gusto maka-receive ng 300 notifications sa isang araw.

    🔒 Boundaries

    Huwag Mag-Share Ng Private Convos O Screenshots Na Walang Paalam

    Kahit pa nakakatawa ang convo o screenshot. Mainam pa din na magpaalam ka sa mga involved na tao. In the first place, private ‘yung conversation niyo na ‘yun at intended lang talaga makita at mabasa ng mga kasali sa usapan.

    Iwasang Mag-Tag Ng Maraming Tao Para Makakuha Ng Atensiyon

    Hindi mo kailangang mag-tag ng 50 friends sa post mo ng “Good Morning!”

    Remember na hindi lahat ng nakikita mo online ay 100% na totoo. May mga taong pino-post lang ang mga highlights ng buhay nila, pero hindi ang kanilang paghihirap. Iwasan mo din ikumpara ang iyong behind-the-scenes sa highlight reels ng ibang tao.

    Ang mga “unwritten rules” na ito ay hindi official. Puwede mong sundin, puwede ding hindi. Pero kung susundin mo ang mga ito, ang Facebook ay magiging healthier, at less toxic na tambayan para sa lahat. Pero nasa iyo pa din ang desisyon. Hindi hawak ng mga unwritten rules ang iyong kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong free will. Gamitin natin ito.

    Kung may iba ka pang “unwritten rules” na gusto i-share, post mo lang sa comment section. And by the way, “Bill Gates is giving away ₱7,000 to anyone who comments ‘Amen.’”

    Share the Love, or at Least the Link