Archives: canned thoughts

  • While I was busy…

    Foiled (2003) album cover, © Universal Records.

    Source: Blue October’s “Hate Me” from the album “Foiled” (released April 4, 2006)

    Ang lyrics ng kantang ito ay tungkol sa internal struggle at self-destructive behavior ng isang tao “who is battling their own demons”, habang sinusubukan ng kaniyang kasama sa buhay (partner, parent, friend) na tumulong maiwasan ang higit pang pinsala. Sinasalamin nito ang sakit na hindi niya kayang tumanggap ng anumang tulong dahil sa kanyang personal na magulong pinagdadaanan.

    Isinulat ni Justin Furstenfeld ang “Hate Me” bilang tugon sa paraan na sinira ng kaniyang drug addiction at depression ang relasyon niya sa kanyang girlfriend na si Maime.

  • All the world’s a stage…

    Source: As You Like It (pinaniniwalaang isinulat noong 1599 at unang inilathala sa First Folio noong 1623)

    Ito ay ang panimulang parirala sa isang monologue mula sa pastoral comedy ni William Shakespeare na As You Like It. Ito ay malungkot na sinabi ni Jaques sa Act II Scene VII Line 139. Inihahambing ng talumpati ang mundo sa isang entablado at ang buhay sa isang dula at itinatala ang pitong yugto ng buhay ng isang tao, o ang tinatawag nilang “seven stages of men”.

    Ito ay isang malalim, mapagnilay-nilay na metaphor tungkol sa pansamantalang klase ng buhay ng tao at ang predetermined na ‘roles’ na ginagampanan ng mga tao mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda.

  • I have not failed…

    Circa 1879-1880s

    Madalas na maiugnay sa isang pag-uusap o panayam tungkol sa kanyang trabaho sa electric light bulb.

    Sinasalamin ng quote na ito ang kanyang walang humpay na experimental process sa pagbuo ng mga praktikal na imbensyon, lalo na ang long-lasting incandescent light bulb, na nagbibigay-diin na ang mga pagkakamali ay mga hakbang lamang tungo sa tagumpay.

  • If you wake up…

    Fight Club (If you wake up...)
    Screenshot from Fight Club (1999), © 20th Century Fox / Regency Enterprises.

    Source: Fight Club (1999) film

    Ito ay sinabi ng The Narrator (Edward Norton) sa kanyang introspective monologue (pagmumuni-muni) habang siya ay nasa airport. Ang linya ay sumasalamin sa pag-explore ng pelikula sa identity, dissociation, at existential confusion. Trivia (sort of spoiler): Saktong sakto ang linya na ito dahil mapapansin na dadaan sa kanyang likuran si Brad Pitt habang nagmumuni-muni siya kung pwede siya gumising bilang ibang tao.

    Written by Chuck Palahniuk (novel) at adapted for screen ni Jim Uhls.