All the world’s a stage,
William Shakespeare
And all the men and women merely players;
They have their exits and their entrances,
And one man in his time plays many parts…
Source: As You Like It (pinaniniwalaang isinulat noong 1599 at unang inilathala sa First Folio noong 1623)
Ito ay ang panimulang parirala sa isang monologue mula sa pastoral comedy ni William Shakespeare na As You Like It. Ito ay malungkot na sinabi ni Jaques sa Act II Scene VII Line 139. Inihahambing ng talumpati ang mundo sa isang entablado at ang buhay sa isang dula at itinatala ang pitong yugto ng buhay ng isang tao, o ang tinatawag nilang “seven stages of men”.
Ito ay isang malalim, mapagnilay-nilay na metaphor tungkol sa pansamantalang klase ng buhay ng tao at ang predetermined na ‘roles’ na ginagampanan ng mga tao mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda.
