Simple Words, Big Impact: Random Interesting Lyrics

music

Kanina habang nag-iisip ako ng magandang song lyrics na puwede ko ilagay dito, naalala ko lang itong mga kanta na may mga simpleng lines sa lyrics na natutuwa ako. Kaya bago ko pa makalimutan, heto na. Heto na. Heto na. Huwaaaaaaa.

Burnout by Sugarfree

Hindi ko alam kung ano ang interpretasyon ng ibang tao o kung ano ba talaga ang intended meaning ng kantang tao. Basta para sa akin eh tungkol siya sa isang natapos na relasyon dahil na-burnout na sila sa isa’t isa dahil sa mga pagbabago sa kanila at sa paligid nila na hindi sila nakasabay. Anyway, sa umpisa, ang chorus ng song ay, “Oh kay tagal din kitang minahal.” Minahal. So parang ang dating eh nawala na ‘yung pagmamahal niya sa ex niya. Pero sa last chorus, napalitan na siya ng, “Oh kay tagal din kitang mamahalin.” Mamahalin. Binago lang yung aspeto ng pandiwa (tama ba?) from Minahal to Mamahalin pero malaki na impact sa lyrics ng song. Ibig sabihin, sa huling bahagi, may realization siya na mahal niya pa din pala ang ex niya at matatagalan pa kung kailan siya makaka-move on. Wala lang. Simple lang pero astig.

The Day You Said Goodnight by Hale

Dito naman sa song na ito eh may paulit-ulit na line sa dulo ng kanta na, “She’s already taken.” So parang ibig sabihin (para sa akin) eh ‘yung babae eh may nagmamay-ari na. Pero sa huling ulit nung line, naging, “She’s already taken me.” Nadagdagan lang ng “me.” Pero nadagdagan na din ‘yung meaning na bukod sa meron ng nagmamay-ari sa babae, nakuha na din nung babae ‘yung puso niya. Parang ganun. Parang pag-alis nung babae, bitbit na din ‘yung kanyang puso. Wala lang. Ang galing lang.

Mga Langaw by Grin Department

Itong kantang ito ay tungkol sa mga langaw. May part ng lyrics na:

Ingay ko’y ‘di mapakingganO kilos ko’y ‘di masabayanDoon sa isang tasang sabawDoon sa isang naluging sinehan

Karamihan sa mga kanta ng Grin Dept. eh may double meaning / naughty na lyrics pero sa song na ito, natuwa lang ako sa pagka-witty ng lyrics sa part na ‘yan (note: may double meaning din itong song na ito sa ending.) Tama naman na hindi natin marinig ‘yung mga langaw kadalasan, at hirap na hirap din tayo hulihin dahil mabilis ang reflex niya. Tapos parang dati, nagagamit lagi sa mga jokes ‘yung line na, “waiter (or miss), may langaw sa sabaw ko”. And nangyayari naman talaga ito sa totoong buhay. Tapos kapag ang isang pelikula ay hindi kumita o nalugi sa takilya, ang tawag natin ay “nilangaw.” Metaphorically speaking (tama ba?) Walang lang. Witty lang para sa akin.

Ako’y Sa Iyo, Ika’y Sa Akin by IAXE

Ito ay minsang naging isa sa pinakasikat na kanta sa Pilipinas noong 90s. Ang hanggang ngayon eh patok pa din ito sa mga kantahan. Pero natuwa lang ako na sumikat siya ng todo kahit na simple lang ‘yung lyrics niya, na sa sobrang simple eh parang inuulit-ulit lang ang linya. Halibawa sa first verse niya, ang sabi niya sa first line eh, “Ikaw na ang maysabi….” Tapos sa second line naman, “At sinabi mo…” Tapos sa second verse naman, ‘yung first line niya eh “Kahit anong mangyari…” tapos sa second line ay “At kahit ano pa…” Wala lang. Naisip ko lang. At naisip ko.

Ayun lang. Baka malimot ko lang at hindi ko na maikuwento. Bow.

Share the Love, or at Least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Share the Love, or at Least the Link

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *