Ang Facebook ay walang âofficialâ etiquette rules sa kanilang Community Standards. Pero over time, ang mga tao ay naka-develop ng mga unwritten rules (social norms) sa paggamit ng Facebook. Hindi naman required gawin ang mga ito, pero kung naka-experience ka na ma-unfollowed, ignored o unfriended; at wala kang idea kung bakit nangyari sa iyo ‘yun, eh baka kailangan mo na malaman o sundin ang mga rules na ito. Narito ang ilan sa mga common unwritten rules.
đ General Posting Etiquette
Huwag Mag-Overshare
Iwasan ang maya’t mayang pagpo-post ng status updates tungkol sa buhay mo. Hindi naman kailangang ma-update mo ang mga friends mo sa lahat ng ikikilos mo minu-minuto.
Iwasan din mag-post ng masyadong personal na detail tungkol sa buhay mo na posibleng hindi komportable sa iba. Hindi kailangang i-share ang play-by-play na away niyo ng dyowa mo. May mga updates na dapat eh offline na lang napaguusapan. Minsan, ang TMI ay⊠too much.
Iwasan Ang Vaguebooking
Ang Vaguebooking ay ang sadyang pag-post ng malabo, walang kahulugan, misteryoso, o sobrang emosyonal na mensahe para makakuha ng atensiyon at makatanggap ng nag-aalalang tugon mula sa mga kaibigan at kapamilya. Ito ay pinaghalong “vague” at “Facebook” at maaaring mula sa simpleng post na “Hayz, what a day…” hanggang sa mas seryosong mensahe na may intensiyon na ikaw ay mapaisip o mapatanong.
Ang pagpo-post ng mga cryptic statuses tulad ng, âPagbabayaran mo itoâ na walang context, eh obvious na you are just fishing for attention. Naghihintay ka na magtanong ang mga marites. Habang ang ibang tao ay mapapaisip tuloy kung sila ba ang tinutukoy mo.
Mag-Isip Muna Bago Mag-Post
Minsan, kapag emotions are high, iwasan mong mag-post dahil malaki ang chance na hindi mo napag-isipan maigi ‘yung ipo-post mo. Sabi nga eh, nadala ka lang ng emosyon. Kapag ‘yan ay na-post mo, kahit i-delete mo pa, may makakapag-screenshot na niyan. Mahirap nang mabawi pa. “Niloko mo ako Pedrito!!! Kung alam lang nila na once a month ka lang kung maligo.” Tapos, nung mahimasmasan ka, nalaman mo na hindi ka naman pala niloko ni Pedrito. Paano na ‘yan? Alam na ng lahat na takot siya sa tubig.
Mag-Isip Muna Bago Mag-Tag
Huwag mo i-tag ang mga kaibigan mo sa isang embarrassing photo nila nang hindi ka nagpapaalam. Iwasan mo din i-tag ang buong barangay sa selfie mo. Kung wala naman silang kinalaman, leave them untagged.
Respect Privacy
Iwasang i-post ang balita tungkol sa ibang tao (pregnancy, breakup, illness, atbp.) habang sila mismo ay hindi pa ito naipo-post. At dapat magpaalam ka din muna bago mo i-post. Consent, bestie. Consent is the key.
Huwag Mag-Humblebrag Masyado
Ang humblebragging ay ang pasimpleng pagyayabang sa ilalim ng pagkukunwari ng isang reklamo o kababaang-loob. Ang simpleng life update ay okay lang naman, pero ‘yung madalas na simpleng yabang eh puwedeng nakakairita na sa iba.
Iwasan Ang Mala-Nobela Sa Haba Na Status
Ang Facebook ay hindi Wattpad. Kung ang post mo ay mas mahaba pa kesa sa isang episode ng K-drama, baka puwedeng i-blog mo na lang. Lalo na ngayon na nauso na ang reels at shorts. Meaning, umikli na ang attention span ng mga consumer ng social media. Mas mabilis nila ma-consume, mas okay.
#Huwag #Abusuhin #Ang #Hashtags
#Hindi #ito #Instagram. Dalawa o tatlong hashtag ay okay na. Baka mas marami pa ‘yung hashtag mo sa actual post mo.
Huwag Mag-Trying Hard For Validation
âFeeling pangit today. Huhu.â Tapos magagalit ka pag walang nag-comment ng âHindi, ang ganda mo nga eh.â Huwag ganun.
đž Photos & Media
Huwag Mag-Flood Ng Feeds
Ang mag-upload ng 100 photos ng sunud-sunod may cause clogs in FB timelines. Mas okay na salain mo muna – pumili ka ng mga photos na maayos ang kuha, tanggalin mo ‘yung mga malalabo at ‘yung doble, at saka ka mag-post. Mas lalong okay na gawan mo ng album para isang post lang ang lahat ng mga photos.
Quality is greater than Quantity. Walang may oras mag-scroll sa 47 shots ng iisang birthday cake.
Mag-Ingat Sa Pag-Post Ng Larawan Ng Mga Bata
May mga magulang na ayaw i-post online ang mga larawan ng kanilang mga anak. Kaya magtanong ka muna bago ka mag-post. Hindi lahat ng baby bath time ay dapat na nasa FB timeline (bars!).
đŹ Engagement & Interactions
Huwag Magtalo Nang Walang Katapusan Sa Comment Section
Matuto ka i-respeto ang mga opinions na iba sa sariling opinion mo. Ang healthy debate ay okay. Ang Facebook ay hindi lugar para sa mainit at nanginginig sa galit na awayan.
At isa pa. Kung mag debate kayo, debate lang tungkol sa topic niyo. Huwag na humantong sa siraan ng pagkatao.
Mag-Reply Sa Tags/Messages
Kung may nag-tag o bumati sa iyo, itâs polite to acknowledge. Kahit i-like mo lang. Maiintindihan na niya siguro ‘yun na “messaged received”.
Pansinin Ang Mga Consistent Commenters
Kung may masugid kang taga-like at taga-comment sa mga posts mo, it is also polite na mag-reply ka or mag-like back ka sa mga comments niya. Ikaw na nga may fan, ikaw pa isnabero. Kapag ‘yan hindi na nagcomment at nag-like, mami-miss ng ego mo ‘yan.
Iwasan Na Mag-Comment Ng âFirstâ
Hindi ito YouTube noong 2010.
đ Links, Memes & Content Sharing
Mag-Fact-Check Bago Mag-Share
Ang pagkalat ng fake news o clickbait ay makakasira ng iyong kredibilidad. Paano kung tatakbo kang Mayor? Kung sinabi ng idol Kyrie mo na flat ang earth, huwag kang pabola agad. Mag-conduct ka ng sarili mong research. Hindi porke’t nabasa/napanood mo sa Facebook eh totoo na agad.
Ang Fake news ay mas mabilis kumalat kesa chismis. Mag-verify ka muna. Huwag ko sana makita sa post mo na, âBill Gates is giving away â±7,000 to anyone who comments âAmen.ââ
Huwag Mag-Spam Ng Promotions
Masaya ako na may sarili kang business pero huwag naman i-spam ang pagpo-promote nito. Minsan ‘yung madalas na pagpo-promote ng paulit-ulit ang nagiging dahilan ng pag-unfollow ng mga followers mo. Promote moderately and responsibly.
Tipidin Ang Pag-Share Ng Memes
Funny is good, pero kapag sobrang dami na eh hindi na din minsan okay. Ang mga memes ay parang seasoning. Sprinkle mo lang. Huwag mo ilagay ‘yung buong salt shaker.
đ Tone & Sensitivity
Magkaroon Ng Cultural o Political Sensitivity
Iwasan ang mga overly divisive o offensive na content unless ready ka na sa mga negative reactions mula sa maraming tao. Usually, ang religion at politics ay sensitive na topics na hanggang kaya ay iyong iwasan. Mag-umpisa ka muna sa “Eat Bulaga” at “It’s ShowTime”.
Post Wisely
Basically, ang ârule of thumbâ ay: post as if everyone you respect (your boss, parents, friends, and future self) might read it. Bago ka mag-post, itanong mo muna sa sarili mo kung sa tingin mo na ‘yung ipo-post mo ay okay lang mabasa ng boss mo, ng mga magulang mo, ng mga kamag-anak mo, ng mga kaibigan mo, ng crush mo, ng siga sa kanto niyo. Kung ok lang, eh di click “Post”.
đ”ïž Social Behavior & Privacy
Huwag Mang-Stalk Na Sobrang Obvious
Kung i-stalk mo ‘yung ex mo, o ‘yung maganda niyong bagong ka-opisina, o ‘yung naka-holding hands mo sa ilalim ng desk nung Grade 5, maging maingat sa pag-scroll. Habang lumalalim ang iyong pag-stalk eh mas lumalaki ang chance na ma-like mo ang picture niya nung siya ay nasa beach at naka-bikini. Magse-send sa kanila ng notification ‘yun. At kahit i-unlike mo, eh hindi na ‘yun ma-“unsend”.
Huwag I-Add Ang Mga Taong Hindi Mo Kilala
Medyo creepy ang dating kung magse-send ka ng friend request sa isang total stranger. Ang Facebook ay hindi PokĂ©mon. Hindi mo kailangan na i-âcatch âem all.â
Respect Relationship Changes
Kung ang isa mong kakilala ay magpalit ng relationship status from “Married” to “Single”, pigilan mo ang temptation na mag-message sa kanya at maki-chika. The fact, na hindi mo alam ang dahilan, ibig sabihin eh hindi kayo ganun ka-close. I-stalk mo na lang at baka nai-post naman niya ‘yung reason.
đ Birthdays & Greetings
Birthday Basics
Isang simpleng âHappy Birthdayâ ay okay na. Huwag mo na dugtungan ng, âBill Gates is giving away â±7,000 to anyone who comments âAmen.ââ
Huwag Sadyain Ang Belated Birthday Greetings
May ibang tao na sinasadya mag-greet ng late, para solo nila ‘yung attention. Huwag ganun. Kung nakalimutan mo ang birthday ng isa mong kakilala, sa post ka na lang ng isa sa mga bumati (na kakilala mo din) mag-comment ng iyong belated greetings. It’s better to be late, than never.
đ Posting Style
Huwag Ka Laging Galit
‘Yung occasional na paglalabas ng sama ng loob o galit eh okay lang naman ‘yan. Pero kung kada post mo galit ka; kada-react mo, galit ka đĄ; kada-comment mo, galit ka; much bitter better na i-uninstall mo na ‘yung Facebook. Lumabas ka na lang ng bahay tapos sumigaw ka ng, “Sino siga dito? Tara, suntukan tayo!”
Mix It Up
Maganda na i-try mo din na mag-share ng iba’t-ibang uri ng mga posts. Try mo mag-post ng selfies. Tapos mga foods naman. Tapos opinion mo sa mga bagay-bagay tulad ng, reaction mo ng maghiwalay si Gabby at Sharon. Kung iisang uri ng post lang ginagawa mo eh baka ma-typecast ka ng mga kakilala mo na kapag na-notify sila na nag-post ka, sasabihin nila na, “Nag-post na naman si Jestoni. Malamang tungkol na naman ‘yan sa lihim ng Golden Buddha.”
Huwag Mag-React Sa Sarili Mong Post
Ikaw na ang nag-post eh, so hindi mo na kailangan mag-react sa sarili mong post. Imagine, nag-post ka ng, “free will is real in a practical sense.” Tapos, pagka-post mo, binasa mo ‘yung post mo at sumang-ayon ka sa sarili mo. “Hmmm. Make sense. Okay itong post ko ah. Mapusuan nga.”
đ·ïž Groups & Community
Huwag Mang-Hijack Ng Post O Comment Para Sa Sarili Mong Promo
Kung may isang nag-post at humihingi ng advice, huwag mong isingit ‘yung business mo kung magbibigay ka ng advice. “Ituloy mo lang pare. Kaya mo ‘yan. Huwag kang panghinaan ng loob. By the way, may insurance ka na ba? Kung wala pa, PM is the key.”
Kung may mag-posts tungkol sa kakatapos lang nilang wedding â huwag ka na sumingit ng âLooking for flowers? PM me!â
Pakiramdaman Ang Group Vibes
May mga FB Groups na madalas magbiruan ang mga miyembro, at meron din naman na puro seryoso ang kasali. Read the room. Kung malihis ka sa tono o tema ng usapan ng grupo, baka maging dahilan ka pa na maging awkward ang usapan.
Iwasan Ang Auto-Adding Sa Groups
Iwasan mong i-add lahat ng friends mo sa âBuy and Sell ng Used Handkerchief ng Kapitbahay ng Pinsan Ko.â Magtanong ka muna. Hindi lahat ay gusto maka-receive ng 300 notifications sa isang araw.
đ Boundaries
Huwag Mag-Share Ng Private Convos O Screenshots Na Walang Paalam
Kahit pa nakakatawa ang convo o screenshot. Mainam pa din na magpaalam ka sa mga involved na tao. In the first place, private ‘yung conversation niyo na ‘yun at intended lang talaga makita at mabasa ng mga kasali sa usapan.
Iwasang Mag-Tag Ng Maraming Tao Para Makakuha Ng Atensiyon
Hindi mo kailangang mag-tag ng 50 friends sa post mo ng âGood Morning!â
Remember na hindi lahat ng nakikita mo online ay 100% na totoo. May mga taong pino-post lang ang mga highlights ng buhay nila, pero hindi ang kanilang paghihirap. Iwasan mo din ikumpara ang iyong behind-the-scenes sa highlight reels ng ibang tao.
Ang mga âunwritten rulesâ na ito ay hindi official. Puwede mong sundin, puwede ding hindi. Pero kung susundin mo ang mga ito, ang Facebook ay magiging healthier, at less toxic na tambayan para sa lahat. Pero nasa iyo pa din ang desisyon. Hindi hawak ng mga unwritten rules ang iyong kapalaran. Gabay lamang sila. Mayroon tayong free will. Gamitin natin ito.
Kung may iba ka pang “unwritten rules” na gusto i-share, post mo lang sa comment section. And by the way, âBill Gates is giving away â±7,000 to anyone who comments âAmen.ââ


Leave a Reply