Tag: weird facts

  • 10 Random Trivia na Hindi Mo Akalain

    10 Random Trivia na Hindi Mo Akalain

    Narito ang ilang mga trivia na hopefully ay makatulong sa inyong pang araw-araw na buhay.

    1. Ang mga bananas ay berries, pero ang mga strawberries ay hindi berries.

    bananas and strawberries

    Botanically speaking (naks!), ang berry ay fleshy fruit na na-develop mula sa single ovary ng isang bulaklak at merong isa o mahigit pa na buto, na swak na definition ng saging.

    Habang ang strawberry, ay nabubuo mula sa multiple ovaries ng isang bulaklak. At ‘yung parang mga butong maliliit sa palibot ng strawberry ay nagre-represent bilang mga individual fruitlet, kaya nabibilang ito sa aggregate fruit. Botanically speaking.

    2. Ang mga octopus ay mayroong tatlong puso.

    octopus

    Pinagtatawanan lang ng octopus ang kantang “Sana Dalawa Ang Puso Ko”. Ito ay may dalawang branchial hearts na nagpa-pump ng blood sa gills, at isang mas malaking systemic heart na nagpa-pump ng oxygen-rich blood sa kanyang buong katawan. Kapag lumalangoy ang octopus, tumitigil sa pagpintig ang kanyang systemic heart, na nagiging sanhi ng kanyang pagka-fatigue. Kaya mas prefer nila ang gumapang.

    3. Ang inventor ng lata ng Pringles ay nakalibing sa isang lata ng Pringles

    Pringles

    Si Frederic “Fred” Baur ay isang organic chemist at siya ang nag-design ng iconic na  Pringles can. Siya ay namatay noong 2008 at mayroon siyang personal request na ilibing sa kanyang sariling imbensyon. Tinupad ito ng kanyang mga anak sa pamamagitan nang paglalagay ng ilang bahagi ng abo ng kanyang labi sa isang original flavor Pringles container, at ang natirang bahagi ay sa isa isang urn. At magkasama nila itong inilibing.

    4. Ang grupo ng flamingos ay tinatawag na “flamboyance.”

    flambouyance

    Ang pangngalan na ito ay angkop para sa kapansin-pansin, nagmamayabang at matingkad na kulay ng mga flamingos. “Ang flamboyant naman ng mga flamboyance.”

    5. Ang pinakamahabang wedding veil ay mas mahaba pa sa 63 football fields.

    wedding veil
    NOTE: Hindi ito ang actual na longest wedding veil

    Ang pinakamahabang wedding veil ayon sa Guinness World Records, ay isinuot ni Maria Paraskeva ng Cyprus noong August 14, 2018, na may habang 6,962.6 meters (22,843 ft). Childhood dream ni Paraskeva na i-break ang world record para sa pinakamahabang wedding veil.

    6. Mayroong bayan sa Norway na ang pangalan ay Hell.

    hell, norway
    Hell village sa Norway

    May nayon sa Norway na tinatawag na Hell, na matatagpuan sa munisipalidad ng Stjørdal. Ang pangalan ay hango sa Old Norse na salitang hellir, na ang ibig sabihin ay “overhang” o “cliff cave”. Ang nayon na ito ay isang minor tourist attraction dahil sa pangalan nito. Siguro sa tuwing may snow, ang tawag nila dito ay “Hell Freezes Over.”

    7. Ang mga Koalas ay may fingerprints na halos identical nang sa mga tao.

    Koalas

    Sobrang similar ng fingerprints ng mga koalas at mga tao na kahit ang mga forensic experts ay nahihirapan kapag naglalaro sila ng, “alin, alin, alin ang naiba?” Ang mga swirls, loops, at whorls sa dulo ng daliri ng koala ay halos kapareho ng sa atin hanggang sa microscopic details nito.

    8. Ang mga Baka ay may mga best friends.

    Baka

    Ang mga Baka ay may mga best friends at sila ay puwedeng ma-stress kapag nalayo sila dito. Ayon sa research, tulad ng pag-aaral mula sa Northampton University,  ipinapakita na kapag ang baka ay kasama ang best friend niya, mababa ang heart rate niya at  mas kinakikitaan ng kaunting signs ng pagka-stress.

    9. Ang mga butterflies ay kaya tumikim gamit ang kanilang mga paa.

    butterflies

    Ang mga butterflies ay kaya tumikim sa pamamagitan ng paggamit ng specialized chemoreceptors (hindi ko din alam ‘yan) mula sa kanilang mga paa. Itong mga receptors na ito ang tumutulong sa kanila para ma-identify ang halaman na pwede nila paglagakan ng kanilang mga eggs o kaya ay para maghanap ng essential nutrients na kailangan nila. Hindi na nila kailangan dilaan, tatapakan na lang nila.

    10. Ang mga kambing ay mayroong rectangular pupils.

    Goat

    Ang rectangular pupils ng mga kambing ay unique trait na nagbibigay sa kanila ng nearly 320-degree panoramic field of vision, na nakakatulong para makita agad nila ang predators na manggagaling sa halos lahat ng direksiyon kahit pa nakayuko sila at kumakain ng damo.

    Share the Love, or at Least the Link