Tag: jokes collection

  • It’s Monday Out There #7

    It’s Monday Out There #7

    Ang Skydiver at ang Rubik’s Cube

    May isang skydiver na nag-upload ng video niya kahapon na tumalon mula sa isang aircraft at sinubukang i-solve ang isang rubik’s cube habang nasa free fall. At para patunayang na-solve niya ito, open casket ang kanyang libing.

    Ang mga Panganib ng Pagtanda

    Isang gabi, sa lodge ng isang hunting club, dalawang bagong miyembro ang ipinakikilala sa ibang mga miyembro at inililibot sa buong lugar. Ang lalaking naglilibot sa kanila ay nagsabi na, “Nakikita niyo ba ang matandang iyon na natutulog sa upuan sa tabi ng fireplace? Siya ang pinakamatanda nating miyembro at marami siyang hunting stories na puwedeng ikuwento na hindi ninyo makakalimutan.” Kaya ginising nila ang matandang lalaki at hiniling na ito ay magkuwento.

    “Buweno, naaalala ko noong 1944, nagpunta kami sa isang lion hunting expedition sa Africa. Tatlong araw kami naglakad at naghanap ng leon pero wala kaming nakita. Sa ikaapat na araw, pagud na pagod na ako kaya kailangan ko ipahinga ang aking mga paa. Nakakita ako ng isang natumbang puno, kaya inilapag ko ang aking baril, itinukod ang aking ulo sa puno, at nakatulog ako.

    “Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog nang bigla akong nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa halamanan. Inaabot ko ang aking baril nang biglang tumalon mula sa halamanan ang pinakamalaking leon na nakita ko sa aking tanang buhay at umangil ng ganito:

    “RRROOAARRR!!!

    “Sinasabi ko sa inyo, nadumi ako sa salawal!”

    Ang mga bagong miyembro ay namangha at ang isa sa kanila ay nagsabing, “Hindi ko po kayo masisisi, madudumi din po ako sa salawal kapag may isang leon na tumalon sa akin.”

    Umiling ang matanda at sinabing, “Hindi, hindi. Hindi ako nadumi noon — Nadumi ako ngayon lang, nung ako ay nag-‘RRROOAAARRR!!!’ Puwede ba ako tulungan ng isa sa inyo?”

    Blind Date

    “Kamusta ang blind date mo?” tanong ng isang college student sa kanyang room mate.

    “Nakakakilabot!” sagot ng room mate. “Dumating siya sakay ng kanyang 1932 Rolls Royce.”

    “Wow! Napakamahal na sasakyan noon ah. Ano ang masama doon?”

    “Siya ang original owner!”

    Huling Habilin

    Isang babae sa Mandaluyong ang nagpasya na ihanda na ang kanyang Will at gawin ang kanyang huling habilin. Sinabi niya sa kanyang attorney na mayroon siyang dalawang huling habilin. Una, gusto niya na siya ay i-cremate, at pangalawa, gusto niya na ikalat ang kanyang abo sa paligid ng Megamall.

    “Bakit sa Megamall?” tanong ng attorney.

    “Para siguradong bibisitahin ako ng aking mga anak dalawang beses sa isang linggo.”

    Ubas

    Isang bata habang kausap ang nagtitinda ng fishball: “Manong, may ubas kayo?”

    Manong: “Wala.”

    Kinabukasan…

    Bata: “Manong, may ubas kayo?”

    Manong (Inis na ng kaunti…): “Wala nga eh! Kapag bukas nagtanong ka pa sa akin kung may ubas ako, eh i-stapler ko ang bibig mo!”

    Kinabukasan uli…

    Bata: “Manong, may stapler kayo?”

    Manong: “Wala.”

    Bata: “May ubas kayo?”

    Share the Love, or at Least the Link