Tag: funny Pinoy story

  • It’s Monday Out There #6

    It’s Monday Out There #6



    NOTE: Ang “It’s Monday Out There” ay ang post title na ginamit ko sa aking 2015 free WordPress website kung saan nagpo-post ako ng mga jokes every Monday. Sadly, hindi ko na ma-access ang account na ginamit ko kaya hindi ko na ma-deactivate. I’ll be using the same post title with the same goal – to start the week with a smile.

    To kick things off, ito ang isa sa pinaka-paborito kong joke.

    SOBRANG PAGSAKIT NG ULO

    Itong si Dencio eh 20 years nang halos araw-araw eh nakaka-experience nang sobrang pagsakit ng kanyang ulo.

    Isang araw, hindi na talaga niya kayang tiisin ‘yung sakit, kaya nag-decide na siya na magpa-konsulta sa doktor.

    Sabi nung doktor, “Dencio, may good news at bad news ako sa iyo. Ang good news eh kaya kong gamutin ‘yang sobrang pagsakit ng ulo mo. Pero ang bad news is kailangan kang ma-kapon (castrate). Meron ka kasing very rare na condition kung saan ‘yung itlog (testicles) mo eh dumidiin sa bandang ibaba ng iyong spine at ‘yung pressure ang nagiging sanhi nang sobrang pagsakit ng iyong ulo.”

    “Ang tanging paraan para mawala ang pressure na ‘yun ay kailangang tanggalin ko ang iyong itlog.”

    Siyempre si Dencio eh na-shock at nalungkot. Inisip niya agad kung may dahilan pa ba para siya ay mabuhay.

    Pero wala na siyang choice dahil hindi na talaga niya kayang tiisin ‘yung sakit kaya pumayag siya sa operasyon. Umabot sa halos isang milyong piso ang nagastos niya sa surgery.

    Noong lumabas siya ng hospital, for the very first time in 20 years eh wala siyang naramdaman ni katiting na pagsakit ng ulo. Pero siyempre, naramdaman din niya na parang may kulang na sa kanyang pagkatao.

    Habang naglalakad siya sa kalsada, na realized niya na sa pakiramdam niya eh parang ibang tao na siya. Kumbaga eh, puwede siyang magkaroon ng new beginning at new life. So kahit papaano eh natuwa naman si Dencio at feeling motivated sa kanyang bagong buhay.

    Nakakita siya ng isang Men’s Clothing Store. Naisip niya, “Ito ang kailangan ko para sa bago kong buhay… isang bagong suit.”

    So pumasok siya sa store tapos sinabi niya sa sastre (male tailor) na, “Gusto ko po bumili ng bagong suit.”

    Tiningnan siya ng matandang sastre saglit, tapos sinabi na, “Hmm… size 44 ang haba.”

    Napangiti si Dencio, “Tama. Paano niyo po nalaman?”

    “60 years na ako sa business, iho!” sabi ng sastre.

    Sinukat ni Dencio ‘yung ibinigay na suit at sukat na sukat sa kanya.

    Habang tinitignan ni Dencio ‘yung sarili niya sa salamin, nagtanong si manong sastre, “Baka gusto mo din ng bagong shirt?”

    Napa-isip si Dencio saglit tapos sabi niya, “Sige.”

    Tiningnan ulit siya ng matandang sastre tapos sinabi na, “Hmm… 34 ang sleeves at 16 1/2 ang neck.”

    Nagulat si Dencio, “Tama pa din po. Paano niyo po nalaman?”

    “60 years na ako sa business, iho!” sabi ulit ng sastre.

    Sinuot ni Dencio yung ibinigay na shirt at sukat na sukat pa din sa kanya.

    So palakad-lakad ngayon si Dencio doon sa store. Kumportable siya sa bago niyang suit at shirt. Nagtanong ulit si manong sastre, “Baka gusto mo din ng bagong underwear?”

    Napa-isip ulit si Dencio tapos sabi niya, “Sige.”

    Tiningnan ulit siya nung matandang sastre tapos sinabi na, “Hmm… Size 36.”

    Natawa bigla si Dencio, “Ah ha! Sablay po kayo! Size 34 po ang ginagamit kong underwear since 18 years old pa po ako.”

    Napa-iling si manong sastre. Tapos sabi niya, “Hindi ka puwedeng magsuot ng Size 34! Kapag Size 34 ang isinuot mong underwear, didiin ‘yung itlog mo sa bandang ilalim ng iyong spine at ‘yung pressure na ‘yun ang magiging sanhi nang sobrang pagsakit ng iyong ulo.

    Share the Love, or at Least the Link