Tag: BuffetTips

  • How to Survive (and Enjoy) an All-You-Can-Eat Buffet in the Philippines

    How to Survive (and Enjoy) an All-You-Can-Eat Buffet in the Philippines

    So, ikaw ay naimbita sa isang all-you-can-eat buffet — isang dakilang pakikipagdigmaan kung saan ang mga plato ang iyong kalasag, tongs ang iyong sandata, at bawat kagat ay isang maliit na tagumpay. Kung nais mong masulit ang iyong ibabayad o iniiwasan mo lang mabusog bago mag-dessert, mayroong art para mapagtagumpayan ang ganitong lafangan labanan. Narito ang ilang tips para sa iyong buffet strategy: part hunger games, part etiquette class, at 100% fun. Let’s dig in (literally).

    Scout the Entire Spread First

    Surveillance muna tayo. Bago ka kumuha ng plato, maglakad-lakad ka muna sa paligid at tingnan kung ano ang mga available na pagkain. Sa ganung paraan, makakapamili ka talaga ng mga gusto mong banatan, lalo na ‘yung mga medyo mahal (seafood, carved meats, sashimi, atbp.), at maiwasan na din muna ang mga fillers sa umpisa nang iyong journey.

    Fillers ay ang mga pagkaing madali kang mabubusog tulad ng kanin; tinapay; pasta at noodles; mashed potatoes o fries; thick corn o cream soup; gulay na ma-sauce; o sugary drink o soda.

    Start with Lighter Dishes

    Mag-umpisa muna sa salad (caesar, kani, greek, garden), soup (miso, clear broth, tinola, sinigang) o cold items (cold cuts, sushi, sashimi, fruit cups) para ma-warm up muna ang iyong gana sa pagkain. Madali kang mapupuno kapag mabibigat na pagkain agad tulad ng kanin, tinapay, at pasta ang iyong uumpisahan. Ikaw din, baka mabusog ka agad at hindi mo na matikman ang paborito mong meat o seafood.

    Prioritize the Expensive / Rare Items

    Kung merong seafood, prime meat cuts o special dishes na hindi mo madalas nakakain, banatan mo na kaagad habang sariwa pa. Ito ang mga pagkain na makakapagpasabi sa iyo na sulit ang iyong paglamon, at ang iyong binayaran (kung KKB).

    Take Small Portions First

    Huwag mo i-overload ang iyong plato sa first round pa lang. Mag-try ka muna ng small servings ng iba-t ibang dishes — para kapag may nagustuhan ka, maaari mong balikan sa round two. Makakatulong din ito para maiwasan ang sayang na pagkain at makakatikim ka pa ng maraming variety.

    Limit Carbs & Drinks Early On

    Nasabi ko na kanina pero easy ka lang muna sa kanin, tinapay, noodles, at iwasan muna ang sugary o carbonated drinks sa umpisa — masasagad ka agad niyan. Siguro sa bandang round three o four, at gusto mo talaga nitong mga ito, eh saka mo na isama sa iyong repertoire. Maraming Filipino (lagpas four) ang nagsasabi na nakakatulong ang pag-skip o pag-limit ng kanin para sa successful na pag-devour.

    Drink Water Before & Between Rounds, But Not Too Much During

    Scientifically speaking, ang pagiging well-hydrated ay nakakatulong sa iyong digestion. Pero kung iinom ka ng marami habang kumakain (lalo na kapag soda o juice), mapupuno ka kaagad. So drink (water) moderately. Ayon sa mga madalas mag-buffet, mag-tubig muna sa simula at later na lang inumin ang iba pang mga drinks.

    Pace Yourself & Take Breaks

    Hindi siya karera. Kumain nang mabagal, i-enjoy mo ang pagkain. Bigyan mo ang iyong sarili ng short breaks kada plato para maka-catch up naman ang iyong katawan sa kung gaano karami ang iyong nakain. Nakakatulong ito para maiwasan ang labis na pagkain hanggang sa hindi ka na kumportable.

    Save Room for Dessert (If You Like Dessert)

    Maraming buffet ay may masasarap na desserts, kaya huwag masyado magpakabusog ng todo para may space pa para makakain at ma-enjoy mo ang mga ito. Kung looking forward ka sa desserts, planuhin ang bilang ng iyong mga rounds at plato para may sapat ka pang powers para dito.

    Wear Comfortable Clothing

    Mas mararamdaman mong bloated o busog ka na agad kapag masikip ang iyong damit na isusuot. Magsuot ng maluluwag o breathable outfits para ikaw ay makapag-relax at ma-enjoy mo ang pagkain na hindi nag-aalala (agad) kung kailangan mo nang luwagan ang iyong sinturon.

    Mind Buffet Etiquette

    • Gumamit ng bagong plato sa bawat pagpunta o pagpila mo sa buffet line. Huwag mo na gamitin ulit ang iyong maduming plato. Hindi naman ikaw ang maghuhugas (unless wala kang pambayad.)
    • Gamitin mo din ang serving utensils na nakalagay sa bawat putahe. Huwag mag double-dip, at huwag din gamitin ang kamay (baka mapanis) sa pagkuha ng pagkain.
    • Maging malinis: iwasan ang mga spills, iwasang magkalat, maging considerate sa mga nasa likod mo sa pila.
    all-you-can-eat buffet

    Double-dipping ay kapag isinawsaw mo ang isang pagkain sa isang shared sauce or dressing, tapos kinagatan mo ‘yung pagkain, tapos isinawsaw mo ulit. Big no-no ‘yan sa buffets (at kahit anong shared dining.)

    Kahit sa sawsawan ni manong na nagtitinda ng fishball, huwag mo gagawin ‘yan.

    Pick Your Time & Seat Wisely

    Pumunta ka ng maaga para magkaroon ka ng first access sa mga popular dishes bago pa ito maubos. Try mo din umupo sa puwesto na medyo malayo sa pila ng buffet para iwas temptation na magpabalik-balik. Makakatulong din ang paglalakad ng malayo papunta sa buffet line para bumaba ang iyong mga naunang kinain (sa pagkakaalam ko.)

    Know the Time Limit / Policies

    May mga buffets na may time limit. May mga buffets din na may policy tulad ng extra charge kung may naiwan kang pagkain sa plato mo. Alamin ang mga ito para maisama mo sa pagpaplano ng iyong eating strategy.

    Sa huli, ang “sulit” na buffet ay hindi naman tungkol sa pagkain lang. Kasama din dito eh kung “sulit” ang saya. Tungkol din ito sa sharing ng mga tawanan sa harap ng mga punung-punong plato, at mga kuwentuhan sa bawat kagat. So kainin mo lang ang gusto mong kainin, mag-enjoy kasama ang mga kasalo mo kumain, at tandaan — life, like a buffet, is best when savored slowly.

    all-you-can-eat buffet

    Share the Love, or at least the Link