Tag: blog design

  • Where to Get Free Fonts (Legally!) for Your Blog, Brand, or Projects

    Where to Get Free Fonts (Legally!) for Your Blog, Brand, or Projects

    Ang paghahanap ng “free font” ay parang paghahanap ng bagong makaka-date — marami kang pagpipilian pero kung ano pa ang napili mo, madalas ay taken na. Kaya ako na ang nag-“swipe right” para sa inyo. Narito ang ilan sa mga legit font resources online na walang kahina-hinalang licenses at wala ding malware. Ang mga resources na ito ay may magagandang typography na ikaw na lang ang hinihintay para gamitin mo sa iyong website, o brand, o sa susunod mong project.

    Google Fonts

    google fonts

    Ito na yata ang go-to site para sa web at print. Meron ditong 1500+ fonts. Ayon sa FAQ nila, ang lahat ng fonts dito ay open source at libre. Puwede mo din gamitin commercially. Puwede sa logo, print, website, apps,  teaching materials, e-books, store fronts, jewelry, at sa kahit anong bagay na gusto mo lagyan ng fonts. Integrated na din siya sa WordPress na siyang ginagamit ko sa website na ito.

    💡 Kapag ang font ay open source:
    ✅ Puwede mo gamitin sa personal o commercial projects
    ✅ Puwede mo i-modify o baguhin (change the letters, adjust spacing, atbp.)
    ✅ Puwede mo i-share sa iba
    ❌ Bawal mo ibenta o i-rebrand at angkinin bilang sarili mong gawa

    Font Squirrel

    font squirrel

    Sa pagkakaalam nila, ang lahat ng fonts nila ay libre para sa commercial use at lahat ay may desktop license na ibig sabihin ay pwede gamitin sa commercial graphics at images for free. I-check na lang ang license na kasama kapag nag-download ka ng font para sure. Meron din silang Font Identifier kung saan puwede ka mag-upload ng image at i-identify nito kung ano ang font na ginamit sa image.

    Ang bawat font nila ay may row of symbols para ma-identify kung saan ito puwede gamitin.
     Commercial Desktop Use – Create commercial graphics and documents.
     @font-face Embedding – Embed the font in your websites with CSS.
    Ebooks and PDFs – Embed font in eBooks and portable documents.
    Applications – Embed font in applications and software.

    DaFont Free

    dafont free

    Katulad ng DaFont, pero ang lahat ng fonts dito ay libre. Although napansin ko na karamihan ng mga fonts nila dito ay for personal use only. Sabi nga nila, sila ay isang free demo font collection website. At ang demo fonts nila ay distributed for personal projects only.

    1001 Fonts

    1001 fonts

    Ang lahat ng fonts nila ay free. Although hindi lahat ay for commercial use. Mayroon silang button para i-filter lang ang mga fonts na puwede mo gamitin commercially. ‘Yung link na binigay ko ay naka-filter na para dito.

    💡 Kapag ang isang font ay for personal use, HINDI mo ito puwede gamitin commercially. Pero kapag ang font ay for commercial use, matik na puwede mo din ito gamitin for personal use. Walang lang. Baka lang may hindi nakakaalam at nahihiya lang magtanong.

    The League of Moveable Type

    the league of moveable type

    Ang orihinal, at kauna-unahang pandayan ng open-source fonts. Ang buong catalogue nila ng mga piling fonts ay libre gamitin personally at commercially, basta bigyan ng credit ang original creators.

    Fontshare

    fontshare

    Ang lahat ng fonts dito ay 100% free para sa personal at commercial use. May dalawang type sila ng free fonts: ang “open source” at “closed source”. Ang closed source ay designed, produced at owned ng parent company ng Fontshare, ang Indian Type Foundry. Ang mga closed source fonts ay exclusive sa Fontshare, meaning, dito mo lang makikita sa site na ito.

    Velvetyne

    velvetyne

    Ang lahat din ng fonts dito ay libre at open source na ibig sabihin daw ay you can use them, modify them, redistribute them, at redistribute the modified versions. Puwede sa personal at commercial works tulad ng poster, logo, magazine, website, app, t-shirt, music video, bike trailer at sa lahat ng abot ng iyong imagination. Paalala lang nila that you must “credit the name of the type designer and of our foundry” kung gagamitin mo ang fonts nila.

    Collletttivo

    collletttivo

    Katulad ng ibang resources, ang lahat din ng fonts dito ay libre. Maaari gamitin sa personal at commercial projects sa kahit anong printed at digital media basta magbigay din ng credit sa original designer and the foundry kapag ni-release mo ang work mo na gumamit ng font nila. Mayroon silang 15 available open source typefaces. Medyo nahirapan lang ako sa site nila dahil naka-dark mode tapos dark din ang font.

    💡 Ang typeface ay particular design of type. Naintindihan mo? Ako, hindi. Daanin natin sa examples. Ang typeface ng Times New Roman at Georgia ay Serif. Habang ang typeface ng Arial at Helvetica ay Sans-Serifs. May iba pang typefaces tulad ng Display, Script, Slab Serif, Monospaced and everything.

    Open Foundry

    open foundry

    Ito ay free platform ng mga open source typefaces. Ayon sa chismis, magkakaroon na ng Open Foundry 2.0. Abangan.

    Fontesk

    fontesk

    Ang lahat din ng font dito ay free to download. May label at filtering sila kung ano ang mga font na for personal use at for commercial use.

    Oh ayan ah. Napakaraming fonts na ang makukuha mo diyan, Pero kung bitin ka pa, comment ka lang. Kung meron ka ding ibang source ng mga free fonts na gusto mo i-share, i-comment lang din.

    Font Licenses 101

    Siya nga pala, kadalasan, kapag nag-download ka ng font, may kasama siyang License. Ugaliing basahin ang license ng font para may idea ka kung hanggang saan lang ang kaya nito ibigay sa iyo. Kung hindi mo masyado ma-gets ang nasa License, narito ang listahan ng mga common licenses ng mga fonts.

    1. Free for Personal Use – puwede mo gamitin sa iyong own stuff tulad ng school projects, personal blog header, mockups, atbp. HINDI mo puwede gamitin sa client work, merch, o monetized content. Halimbawa ay puwede mo siya gamitin to design a poster for your wall. Hindi mo siya puwede gamitin to design a poster for a client na magbabayad sa iyo.
    2. Free for Commercial Use – puwede mo siya gamitin sa kahit na anong project, personal man o may profit. Binibigyan ka ng creator ng kalayaan gamitin ang font sa anumang paraan na iyong naisin. Pero minsan ay kailangang bigyan mo ng credit ang creator kaya siguraduing basahin maigi ang license kung naisusulat ba ito.
    3. Open Source / Open Font License (OFL) – 100% free to use, modify at share. Puwede gamitin sa logos, sa apps o websites. Ang hindi mo lang puwede gawin ay ibenta ito o i-rename at angkinin na ikaw ang creator nito.
    4. Commercial License / Premium Font – Posibleng magbabayad ka once or magsu-subscribe ka para magamit mo sa commercial work. Basahin sa license kung paano mo puwede gamitin ang font. Minsan may tiered license din na iba ang bayad kapag para sa logo, o para sa app o sa website.
    5. Desktop License – puwede mo gamitin ang font sa paggawa ng mga static designs tulad ng posters, logo, print materials, images para sa social media, atbp.
    6. Webfont License – puwede mo gamitin sa pag-embed ng font sa website via CSS o font-face. Madalas may limit ito sa bilang ng monthly page views o number of domains.
    7. App / eBook License – puwede mo i-embed ang font sa app, game o e-book.
    8. Attribution License (CC-BY, atbp.) – puwede mo gamitin freely pero kailangang i-credit mo ang creator. Madalas ay kabilang sa Creative Commons (CC-BY). Mag-add ka lang ng note na ginamit mo ‘yung font. “Font used: <Creator’s Name> (free under CC-BY license).”
    9. Donationware – libre siya pero ang creator ay humihingi ng donasyon lalo na kung gagamitin mo commercially.
    10. Trial or Demo Fonts – ito ay para sa testing at previewing lamang. Hindi puwede gamitin sa real-world projects. Ginagawa ito ng designer para mag-sneak peek ng full version ng isang font na may bayad.

    Share the Love, or at Least the Link