Blog

  • Game Ka Na Ba? 10 Cool Websites with Free Browser Games

    Game Ka Na Ba? 10 Cool Websites with Free Browser Games

    Welcome sa magical world ng browser games – instant fun, no strings attached, at higit sa lahat, LIBRE! Ano pa’ng hinihintay mo? I-close mo na ‘yung 99 tabs na naka-bukas sa browser mo, at maglalaro na tayo!

    Narito ang sampung website na puwede ka maglaro ng mga games. Ang mga games dito eh malalaro mo na kaagad mismo sa iyong browser.

    1. poki

    https://poki.com/

    Ang Poki ay isang website (at platform) na nagho-hosts ng libreng browser-based games. Ito ay naka-base sa Amsterdam, Netherlands. Ang masarap dito sa Poki (insert pun), instant play na kaagad. Ang mga games ay puwede laruin sa desktop, laptop at sa mobile (browser). Mahigit 1,000 titles ang available para pagpilian. Maganda ang site na ito para maka-discover ng mga indie, casual, o experimental games. Medyo tiyaga lang sa mga advertisement kapag naglalaro dahil dito kumikita ang mga games. At may mga games nga pala na hindi pambata.

    2. CrazyGames

    https://www.crazygames.com/

    Ang CrazyGames ay isang browser-games platform na itinatag sa Belgium noong 2014 ng magkapatid na Raf at Tomas Mertens. Ito ay multilingual/localized at available sa maraming languages (24 ayon sa aking source). Ang mga games ay free to play, pero gumagamit din sila ng mga ads (sa mga games at mismong site) at minsan ay may offer na mga in-game purchases. Meron silang mahigit 4,500 games. Hindi din lahat ng mga games ay pambata at depende sa bilis ng iyong internet connection, may mga games na mabagal mag-load.

    3. Kongregate

    https://www.kongregate.com/

    Ang Kongregate ay isang online gaming portal at publisher na nagho-hosts ng napakalaking library ng browser games, at naglalabas din sila ng mga games para sa mobile, PC, at iba pang platforms. Itinatag noong 2006 ng magkapatid na Jim at Emily Greer. Malakas ang kanilang community focus: may user profiles, achievements, badges, high‐score leaderboards, chat, forums, at iba pa. Ayon sa tsismis, mayroong mahigit 128,000 games sa site na ito.

    4. itch.io

    Ang itch.io ay isang digital marketplace / platform na inilunsad noong March 2013 ni Leaf Corcoran. Ito ay naka-focus sa mga indie games and iba pang creative digital content (assets, comics, music, zines, at iba pa). As of 2024, ang itch.io ay merong mahigit 1,000,000 products (games at iba pang content). Karamihan sa mga items dito ay libre. Dahil hindi lang free games ang ino-offer nila, ‘yung link na binigay ko sa taas ay naka-filter na para sa mga free browser games.

    5. Addicting Games

    https://www.addictinggames.com/

    Ang Addicting Games ay isang online portal para sa mga free casual games. Itinatag nila Bill Karamouzis at Ira Willey noong early 2000s. Mayroon silang mahigit 4,000 classic games at madalas sila magdagdag ng mga new titles. May mga games na may ads, pero kung mapapansin mo eh common talaga ang ads sa mga game portals. At tulad din ng ibang sites, hindi din lahat ng games ay pambata.

    6. Friv

    https://www.friv.com/

    Ang Friv ay isa ding browser-based free games portal. Nag-umpisa ito noong 2006 at ang pangalang “Friv” ay trademarked at pag-aari ng kumpanya na Zyis Limited. Mag-ingat lamang dahil maraming fake “Friv”-style sites na ini-imitate ang kanilang pangalan, nagho-host ng mga questionable ads o  mga link papunta sa unsafe content.

    7. SilverGames

    https://www.silvergames.com/en/

    Ang SilverGames.com ay isang website na nag-o-offer ng mga free browser games. Meron siyang mataas na global web rank, meaning marami ang gumagamit ng site na ito. Around 2003 pa na-rehistro ang domain ng SilverGames.

    8. GamePix

    https://www.gamepix.com/

    Ang GamePix ay isang Italian-based platform na may free, browser-based HTML5 at WebGL games sa kanilang website. Ito ay naitatag noong 2013. As of August 2025, GamePix ay rank #81,527 globally at #46,121 sa United States.

    9. Lagged

    https://lagged.com/

    Ang Lagged ay itinatag noong 2016 ni Dominick Bruno,. Ito ay isang free online gaming platform na may mahigit 5,000 browser-based games.

    10. A10

    https://www.a10.com/

    Ang A10 ay isang free online gaming portal na may malawak na selctions ng browser-based games. Ito ay ni-launch noong 2008 at ni-relaunch noong 2013 sa ilalim ng Spil Games.


    Ang lahat ng websites na ito ay gumagamit ng ads sa kanilang mga games (at ang ilan ay meron din sa mismong website). May ilan na may in-app purchase din. Remember na ang mga games sa 10 websites na ito ay malalaro mo ng libre kaya ang paglalagay ng ads ang way nila para kumita at ma-cover ang mga gastusin nila (hosting, bandwidth, development, staff).


    At diyan na nagtatapos ang ating programa! 10 cool websites para ikaw ay makapaglaro ng mga games na hindi naglalabas ng pera sa iyong wallet at hindi kinakailangang mag-download pa. Tara na at talunin ang mga matataas na scores, i-explore ang mga bagong mundo, at higit sa lahat, mag-enjoy!


    Kung bitin ka pa sa dami ng mga games na kanilang ino-offer, grabe ka naman! Pero i-comment mo lang para malaman ko kung kailangan ko pa gumawa ng panibagong listahan. I-comment mo din kung may recommended website ka na madalas mong tambayan para maglaro ng libre.

    Share the Love, or at Least the Link