about denster project

Ano Ang Denster Project?

Digital Time Capsule of Nostalgia, Blunders, and Anything Under The Sun

Ang Denster Project ay hindi lamang isang simpleng blog.

Para siyang isang digital time capsule, na magpe-preserve ng bits and pieces ng mga tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari na humubog at patuloy na humuhubog sa kung sino ako ngayon. Pero para din siyang isang bagong scrapbook na naghihintay na malagyan ng bagong entry. O kaya ay isang playground na puwede ka maglaro ng mga luma at bagong ideas. Puwede ding sari-sari store na maraming paninda at libre tumambay. In short, hindi ko talaga alam kung ano mga gagawin ko sa website na ito.

Basta marami akong ideas na gusto ko i-share sa ibang tao. At sana, may ilan na masakyan ang trip ko. Kahit hindi sinasadya.

Anything goes na lang siguro. Kung ano maalala ko, o kung may bago akong maisip. Halimbawa, alam niyo ba na ang longest name ng isang isda ay, humuhumunukunukuapuaʻa? Well, at least, ‘yan ang alam ko noong nasa college pa ako. Pero nung i-search ko sa google ang longest fish name para sana tama ang spelling na mailagay ko dito, nalaman ko na hindi na pala ‘yan ang longest fish name. Tinalo na siya ng lauwiliwilinukunukuʻoiʻoi.

Ganyan kalulupit ang mga makikita niyo dito.

Why This Website Exists

Four Reasons:

Una, it’s my way of preserving the things that matter to me — mga cultural nuggets, funny memories, at mga random knowledge na nagbigay kulay sa gulay buhay ko. Medyo tumatanda na din kasi ako. At hindi na ganoon katalas ang memorya ko. So parang gusto ko na maging sort of diary ko itong site na ito na ipo-post ko yung mga bagay na naaalala kong nakapagpasaya o patuloy na nakakapagpasaya sa akin — bago ko pa makalimutan. So kapag dumating ‘yung point na nakalimutan ko na nga, puwede ko balikan dito.

Pangalawa, para sa mga taong nag-e-enjoy din sa mga trip ko. Kung gusto mo ng mga walang kuwentang jokes, quotes, trivia, movie reviews, music throwbacks, o kahit anong random pop culture tidbits, most probably mapi-feel at home ka dito.

Pangatlo, gusto kong makatulong sa sambayanang Pilipino. Sa maliit kong paraan. Seryoso. Noong nag-iisip ako ng ipo-post ko dito, isa sa unang sumagi sa isip ko ay i-explain kung ano ang meme. Parang walang kuwenta talaga eh no. Pero alam ko na sa mundo ng social media, may ilang Pinoy diyan na nagla-like na lang sa post ng mga kakilala nila kahit hindi nila naintindihan dahil nahihiya sila magtanong kung ano ang ibig sabihin. So gusto ko sana mag-post ng mga simpleng kaalaman like balak ko i-explain kung bakit nakakatawa ang isang post, or ano ba ang ibig sabihin ng ROFLMAO o ng ¯\_(ツ)_/¯

At panghuli, puwede ka pa din daw kumita sa blogging, so ¯\_(ツ)_/¯

What You’ll Find Here

Ang Denster Project ay hindi isang “niche” blog in the strict sense. Para siyang variety show na may iba-ibang pakulo. Meron ditong mga:

  • Trivia: Mga facts na useless sa exams pero magandang pang break ng ice sa isang kuwentuhan. At talagang ni-research ko ng todo.

  • Information: Mga kaalamang makakatulong at ikauunlad ng sambayanang Pilipino.

  • Free Stuff: Mga bagay na nagkalat sa internet na puwede mong makuha ng libre (at legal).

  • Jokes: Mga old-school jokes, konting green jokes, mga text jokes, mga jokes na na-receive ko dati sa email, at iba pang uri ng jokes.

  • Quotes: Mga galing sa movies, books, famous people, song lyrics, at mga lines na nao-overheard natin in everyday life.

  • Reviews: Mga movies, TV shows, music, o kahit na anong bagay na posibleng binayaran ako para i-review.

  • How-To Guides: Step-by-step tutorials na hopefully makakatulong sa buhay, tulad ng paano mag-google ng how-to guides.

  • Personal Stories: Mga personal kong kuwento na maaaring nangyari o hindi nangyari sa totoong buhay.

  • Services: Mga kayang kong gawing serbisyo na pwede kong i-offer sa inyo sa presyong kaibigan.

Well, that’s the plan. Pero hindi ko alam kung magagawa ko lahat ‘yan, because plans are made to be broken.

Ito ay tambayan that doesn’t take itself too seriously. May mga post na light at funny. Meron din mga thoughtful at nostalgic. Basta lahat ng post eh manggagaling sa isang lugar na puno ng curiosity, memory, at storytelling.

The Personal Side of the Project

Noong bata-bata pa ako, feeling ko matatas ang memorya ko. Tumatagal sa storage ko ang mga lyrics ng kanta; chords ng kanta; solo lead ng kanta; anong album at track number galing ang kanta, quotable lines sa mga pelikula; title ng mga pelikula; cast ng mga pelikula; pangalan ng lahat ng mga naging teachers ko, with middle initial; malulupit na jokes; mga cool na trivia; sagot sa mga exams; at pangalan ng mga nanghiram ng ps4 games na hindi pa nagsasauli.

Pero ngayon, I see memory differently. It’s not about how much you can store, but how much you can share. Because memories fade. Jokes get forgotten. Quotes get misattributed. But if you write them down, they live on — not just for you, but for anyone who happens to stumble upon them. Woah. Ang habang English niyan ah. Ano ba nakain ko kanina?

Ang project na ito ay parang regalo ko sa future self ko. Someday, kung gusto ko maalala kung ano nagpatawa sa akin, o anong mga pelikula ang nagustuhan ko, o anong trivia ang nakapagpabilib sa akin ng husto, tatambay lang ulit ako sa site na ito. And hopefully, along the way, ‘yung ibang tatambay din dito eh makapag-unlock din ng personal memories at happy thoughts nila.

The Vibe

Imagine nasa harap tayo ng tindahan. Naka-upo at nakatambay. Nagkukuwentuhan. Nagtatawanan. Alak is optional but recommended. Dapat ganun lang ang vibe. ‘Yung tipong pag-alis mo sa tindahan, uuwi kang masaya.

“Para you can understand, ginawa ko ng Taglish.” Sabi ni Francis M sa kanyang awiting “Ubos Biyaya”. Kaya Taglish muna tayo para mas maintindihan ng nakararami. At saka, mahina din ako sa English. I’m not pluwent, flooent, flowent, pluent Basta, I’m not.

Looking Ahead

So what’s next sa Denster Project? Honestly, hindi ko alam — and I think that’s the fun part. Siguro mas marami pang nostalgia posts. Siguro mas malalim pa na pagsisid sa iba pang aspeto ng pop culture. Siguro mga bagong experiment ng blog formats. Pero isa lang ang sigurado: habang may naaalala pa ako, may nakikita pa akong bago, may nakakapagpatawa pa sa akin, at kung kumita ang website na ito, meron at meron tayong bagong mapo-post.

At kung binabasa mo ito, thank you for being part of the journey. Maaaring hindi na trendy ang blogging sa mundo ng internet, pero I believe na ito pa din ang isa sa pinaka-personal. This is my little corner of the web, and I’m glad you’re here. Now let me hear you say, “Ho-Ho!”

Closing Thought

Sabi nga ni pareng Friedrich Nietzsche, “The advantage of a bad memory is that one enjoys several times the same good things for the first time.”

That, in a nutshell, is what I am hoping that this project will be all about — para sa akin, personally.

‘Yung tipong matandang-matanda na ako, tapos pupunta ako sa website na ito (hopefully that time eh nababayaran ko pa ‘yung domain name at hosting). Tapos mare-rediscover ko ‘yung mga pinaglalagay ko dito na nakalimutan ko na. Maaalala ko ulit ‘yung mga taong may utang sa akin. Makikita ko ulit ‘yung mga posts ko for the very first time. Matatawa ulit ako sa mga paborito kong corny jokes. Magbabalik ‘yung feelings habang binabasa ko ‘yung mga inimbento kong kuwento. 

Mangingiti na lang ako ng hindi sinasadya. Habang nasa isang sulok ako ng bahay. Nakaupo sa rocking chair. Nag-iisang nagba-browse sa website na ito — at nagbibilang ng maraming pera.

At sana, mapangiti ka din kapag hindi sinasadyang mapatambay ka dito. Tandaan mo na kapag pareho tayong masaya — two less lonely people in the world.

So without further ado, welcome sa Denster Project — pili na mga suki.

Tara, kuwentuhan tayo.

“The advantage of a bad memory is that one enjoys several times the same good things for the first time.”
Friedrich Nietzsche
Beyond Good and Evil (1886)