about denster

sino si denster?

ako si denster.

Ipinanganak sometime between late 70s and early 80s kaya certified Batang 80s.

Batang Kankaloo.

First honor ng Grade 1 to 5 at eventually eh valedictorian noong Grade 6.

“Architect” ang inilalagay sa “Ambition” kapag sumasagot noon ng slumbook.

Napanood ang first episode ng original na “Batibot”.

Kayang tapusin ang Nintendo Family Computer game na “Super Mario Bros.” in less than 10 minutes.

Third placer sa isang On-The-Spot Drawing Contest tungkol sa leprosy. Almost 200 contestants all over the Philippines.

Tumigil mag-basketball noong nabalitaan na titigas ang kamay sa kakalaro at hindi na gagaling mag-gitara. Hindi pa din gumaling mag-gitara.

Na-suspend ng five days without pay sa aking ikalawang kumpanya.

“The X-Files” ang kauna-unahang tv series na sinubaybayan, technically.

Hindi marunong lumangoy.

Nawalan ng hand throwel sa gardening class.

Natuto mag-drawing noong 3 years old. Repertoire: isang babaeng naka-belo na may hawak na basket, isang cowboy na may hawak na baril, at si Voltes V.

Minsang nagkolekta ng trading cards; WWF magazines; cassette tapes; VCDs at DVDs; FHM Philippines; PC at PS4 video games; comic books; audio CDs; Pol Medina, Bob Ong, at Dan Brown books; LEGO; at songhits. NOTE: Possible na pirated ang ilang bahagi ng collections.

Nagbilot ng maraming medyas para gawing bola sa aking basketball ring na nakasabit sa pako habang naglalaro nang aking imaginary basketball game. NOTE: palaging nananalo ang Ginebra kahit Los Angeles Lakers ang kalaban.

Lumubog sa lampas tao na baha noong subukan pumunta sa PRC para tingnan ang schedule ng licensure exam. Akala ko katapusan ko na.

Walang sense of direction at hindi matandain sa lugar.

Mahilig sa kape. Ayaw magtimpla ng kape.

2001. Nakapag-ipon at nakabili ng unang mobile phone. Nokia 3310. 13,000+ pesos. Grey. Original. Finland.

Death Note lang ang tanging anime na natapos panoodin ang lahat ng episodes.

Napanood ang WWF episode kung saan ni-headbutt nang maraming beses ni Andre the Giant si Hacksaw Jim Duggan. And since then ay naging fan ng wrestling entertainment kahit pa nalaman na scripted ang outcome ng bawat matches.

Madalas makatapak ng jackpot kapag naglalaro ng bang-sak.

Graduate ng Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering. Boardpasser sa first take. Pero never nagamit ang lisensiya.

First ever date sa isang bagong bukas na Jollibee. 10 pesos pa lang ang Yumburger.

Minsang naging may-ari ng isang duffle bag ng mga teks; isang galong mga letters; dalawang plastic bag ng mga tansan; isang sports bag at tatlong garapon ng mga tau-tauhan; at maraming mga goma, jolen at balot ng sigarilyo.

Gumawa ng fanzine na may titulong “monthly.” (monthly period).

Isang summer, nangarap maging dancer.

Dating madalas hikain. Nawala noong matuto magyosi. 2024: tumigil mag-yosi. 2024: nag-umpisa bumalik ang occasional hika.

Hindi marunong mag-bike.

First celebrity crush: si Pink 5 ng Bioman.

Five consecutive years naglakad mula Monumento hanggang Our Lady of Lourdes Grotto Shrine sa San Jose Del Monte, Bulacan bilang panata tuwing Semana Santa.

Na-experience manood sa sinehan kung saan habang ipinapalabas ang mga coming soon at next attraction movies, sumigaw ang mga tao ng “Rocky! Rocky! Rocky!”. Itinigil ang mga commercials at isinalang na kaagad ang Rocky IV. May occasional hiyawan at palakpakan din sa ilang mga piling eksena ng pelikula.

Naging frontliner sa aking unang kumpanya (part-time job) noong panahong hindi pa uso ang call center agent.

Gumawa ng FLAMES bilang unang coding project.

Naranasan mag-cutting classes.

Bumili ng original cassette tapes ng Yano at Parokya Ni Edgar bago pa sila makilala at sumikat.

Tumugtog sa isang alumni homecoming na hindi naman ako alumnus (tama ba?). Pinatayan ng sound system bago matapos ang first song.

Go-To Karaoke Song: Don’t Cry Joni. Minsang naka-score ng 100 sa “Is It Okay If I Call You Mine” ni Paul McCrane.

Unang sideline: nag-assemble at nag-dikit ng mga photo envelopes (pinaglalagyan ng mga pictures na pina-develop). piso every 5 envelopes (?).

Naging isang sakristan noong 3rd at 4th year high school.

Minsang nalasing na hindi alam kung paano nakauwi.

Dating may tongue piercing for about 20 years.

Naging four consecutive week champion sa spelling contest ng isang radio station. Natigil ang winning streak ng magkaroon ng coup d’état noong December 1989 yata. Spell pinagkakapitapitagan.

Sumali at natalo sa Campus Break, isang youth program sa IBC-13 kung saan may game segment sila na may set of questions tapos i-spell mo ‘yung answer kapag nasagot mo ‘yung tanong. Si Danny Javier at Jackie Aquino ang mga hosts.

Never na nagsuot ng wrist watch simula noong first year high school.

2004 Cool Pool Champion.

Bumili ng gitara sa isang dare na kaya ko aralin at tugtugin ang intro ng Sweet Child O’ Mine sa loob ng isang linggo. Achievement unlocked.

Itinuloy at pinursige ang pag-aaral maggitara nang marinig ang kantang “Pare Ko” ng Eraserheads. I’ve been a Heads fan since then.

2005 noong first time ma-try mag-blog gamit ang blogger at WordPress.

Minsang nahalal bilang Engineering Department Councilor (Human Rights Committee) noong college.

“Life is what happens while you are busy making other plans.”
Allan Saunders
1957 Reader’s Digest