contact

psst!

Sa Contact page, karaniwang may mga malulupit na contact forms ang mga website. Wala pa tayo ng ganun.

Alam mo ba na minsan, isang lalaking walang trabaho ang nag-apply bilang isang janitor sa isang malaking kumpanya.

In-interview siya ng employer, at binigyan ng test: “Linisin ang sahig.”

Matapos niya itong gawin, sabi ng employer:
“Tanggap ka na. Ibigay mo lang ang e-mail address mo para mai-send ko ang application form at schedule ng pagsisimula mo.”

Sumagot ang lalaki:
“Wala po akong computer o e-mail.”

Sabi ng employer:
“Pasensiya na pero, kung wala kang e-mail, ibig sabihin hindi ka nag-e-exist. At kung hindi ka nag-e-exist, hindi ka puwedeng magkaroon ng trabaho.”

Umalis ang lalaki na malungkot at wala ng pag-asa. May 1,000 pesos na lamang siya sa bulsa.

Napa-isip siya, at pumunta sa palengke. Bumili siya ng isang kahong kamatis (10kg.), at ibinenta niya ito sa mga bahay-bahay. Sa loob ng dalawang oras, nai-benta niya lahat at nadoble ang kanyang puhunan.

Inulit-ulit niya ang proseso, hanggang maka-uwi siya na may 6,000 pesos. Napagtanto niya na kaya niyang mabuhay sa ganitong paraan. Araw-araw, mas maaga siyang umaalis at gabi na umuuwi. Lalong dumoble at trumiple ang kita niya.

Hindi nagtagal, nakabili siya ng kariton, tapos ng truck, at kalaunan ay isang hanay ng mga sasakyan na pang-deliver.

Pagkalipas ng limang taon, isa na siya sa pinakamalaking food retailers sa buong Pilipinas. Nagplano na rin siya para sa kinabuksan ng pamilya niya, kaya nag-desisyon siyang kumuha ng life insurance.

Tinawagan niya ang insurance broker at pumili ng plan. Pagkatapos ng usapan, tinanong siya ng broker:
“Sir, ano po ang e-mail ninyo?”

Sagot ng lalaki:
“Wala akong e-mail.”

Nagtaka ang broker:
“Wala kang e-mail, pero nakapagtayo ka ng food empire. Naiisip mo ba kung ano na sana ang narating mo kung meron kang e-mail?”

Napatahimik saglit ang lalaki, tapos ay sumagot:

“Janitor.”


Maaari kayong magpadala ng reaction, comment, suggestion, sub poena, fan mail, donation, labada, chain letters, freebies, money transfer, talbog na tseke, secret recipes, o mapa ng isang hidden treasure sa e-mail address na: densterproject@gmail.com

Kung may produkto kayo na gustong ipa-review, or gusto ninyong mag-post ng ads, or basta kahit anong bagay na ako ay magbe-benefit or kikita, mag-inquire lamang sa same e-mail address. Lagyan niyo na lang ng subject na: “
JANITOR

“The biggest problem with communication is the illusion that it has taken place.”
George Bernard Shaw
Irish playwright and critic